Sunday, February 12, 2023

Kalinaw News: Panibagong Engkwentro Naitala, Miyembro ng NPA Patay, Mataas na Kalibre ng Baril Nasamsam sa Labo, Camarines Norte

Posted to Kalinaw News (Feb 12, 2023): Panibagong Engkwentro Naitala, Miyembro ng NPA Patay, Mataas na Kalibre ng Baril Nasamsam sa Labo, Camarines Norte (Another Encounter Recorded, NPA Member Dead, High Caliber Gun Seized in Labo, Camarines Norte)



Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur – Panibagong engkwentro na naman ang naitala sa rehiyon Bikol sa pagitan ng mga sundalo at Communist Terrorist Group (CTG) na ikinasawi ng isang miyembro ng CTG sa Barangay Canapawan, Labo, Camarines Norte, Pebrero 11.

Nangyari ang insidente matapos na beripikahin ng tropa ng 9th Infantry Battalion ang ulat na kanilang natanggap sa umano’y presensiya ng nasa limang armadong kalalakihan sa nasabing barangay kung saan naganap ang engkwentro, tumagal ang nasabing engkwentro ng isang minuto bago magsipulasan ang nabangit na mga armado.

Matapos nito, nakuha rin ng mga sundalo sa lugar ang isang M16 rifle, mga bala at mga magazine habang iniwan lamang ng nagsitakas na miyembro ng CTG ang kanilang kasamahan na nasawi sa engkwentro. Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasabing indibidwal.

Sa kabila nito, tiniyak ni Major General Adonis Bajao, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division at Joint Task Force Bicolandia (JTFB) na mabibigyan ito ng disenteng libing at nanawagan rin ang heneral sa mga nalalabi pang miyembro ng CTG na umalis na sa kanilang grupo at iwanan na ang walang saysay na armadong pakikibaka nang sa gayon ay wag sapitin ang nangyare sa kanilang kasamahan dahil wala nang ligtas na lugar para sa kanila sa rehiyon ng Bicol.

“Kung sakali man po na walang mag-claim sa bangkay, tayo po mismo ang magbibigay ng maayos na libing para sa kanya. Dahil sa kabila po ng patuloy nilang pakikipaglaban sa pamahalaan, huwag nating kalimutan na sila ay Pilipino rin gaya natin. Nawa’y mapagtanto na rin nila ang matagal na naming panawagan na pahalagahan ang buhay na hiram sa ating mahal na panginoon sa pamamagitan ng pagbabalik loob sa pamahalaan at pag waksi sa armadong pakikibaka nang hindi na rin nila sapitin ang nangyare sa kanilang mga kasamahan na namatay at iniwan na lamang ng kanilang pinaniniwalaang mga “kasama” ani MGen. Bajao.




Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/panibagong-engkwentro-naitala-miyembro-ng-ctg-patay-mataas-na-kalibre-ng-baril-nasamsam-sa-labo-camarines-norte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.