Monday, December 12, 2022

Kalinaw News: Mga Menor de Edad na nilinlang ng mga terroristan grupo, sumudo!

From Kalinaw News (Dec 13, 2022): Mga Menor de Edad na nilinlang ng mga terroristan grupo, sumudo! (Minors deceived by terrorist groups, spit!)  (By Jonathan Blanco)



Kasama ang kanilang mga magulang at tagapatnubay pati na rin ang ilang opisyales ng barangay, nagtungo ang pitong (7) menor de edad na pawang mga residente ng San Juan, Batangas sa Command Post ng 59IB sa Brgy Tulos, Rosario upang ihayag ang kanilang pagsuko kahapon, ika-10 ng Disyembre taong kasalukuyan.

Naitalang ang pitong kabataan na ito na may edad mula 13 hanggang 17 ay naging instrumento at kaanib ng mga teroristang grupong CPP-NPA-NDF sa Batangas nuong taong 2020-2021. Sila’y mga musmos na tinuruan ng mga berdugong NPA ukol sa paggamit ng armas at sinanay rin sa iba’t-ibang gawaing pandigma.

Para sa mga teroristang grupong CPP-NPA-NDF, ngayon ninyo sabihin na malinis at mabuti nga ang inyong hangarin at mga pinaglalaban.. Ngayon ninyo ipagsigawan na kapayapaan nga ang nais ninyo para sa bayan.. Di na kayo naawa at maging mga walang muwang na mga bata ay inyong nilagay sa kapahamakan. Sa murang edad pa lamang ay hinubog na ninyo na pahawakin ng mga pinagbabawal na armas para lamang sa inyong mga pansariling hangarin na maituloy ang inyong mga huwad na gawain.

Tunay nga namang wala kayong sini-sino na maging mga kabataan na siyang dapat ay pag-asa ng bayan ay inyong nililinlang. Tunay nga namang kayo’y mga berdugo na salot sa lipunan.

Mapalad ang mga kabataang ito at ang kanilang mga magulang sapagka’t sa kanilang pagsuko ay maiwawasto nang tuluyan ng pamahalaan ang mga maling kanilang natutunan. Asahang magkakaisa ang mga ahensya ng pamahalaan para matiyak ang agarang tulong na maaaring maigawad sa mga kabataang ito.




Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/mga-menor-de-edad-na-nilinlang-ng-mga-teroristang-grupo-sumuko/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.