Tuesday, December 27, 2022

Kalinaw News: 49 na dating myembro ng Milisyang Bayan (MB) at NPA supporters, taos-pusong nanumpa ng pagsuporta sa pamahalaan at mga layunin ng NTF-ELCAC

From Kalinaw News (Dec 24, 2022): 49 na dating myembro ng Milisyang Bayan (MB) at NPA supporters, taos-pusong nanumpa ng pagsuporta sa pamahalaan at mga layunin ng NTF-ELCAC (49 former members of Milisyang Bayan (MB-People's Militia) and NPA supporters, sincerely vowed to support the government and the goals of NTF-ELCAC)



Baras, Rizal – Ika-20 ng Disyembre 2022, Umabot sa 49 na mga indibidwal na dating kaanib ng teroristang NPA ang taos pusong nanumpa ng pagsuporta sa pamahalaan at mga layunin ng NTF-ELCAC sa isinagawang dalawang (2) araw na Local Peace Engagement na pinangunahan ng mga kasundaluhan ng 80th Infantry (STEADFAST) Battalion, Philippine Army na pinamumunuan ni Lt.Col Erwin Y. Comendador INF (GSC) PA na idinaos sa Covered Court ng Barangay Sta Ines, Tanay, Rizal.

Kinilala ng Barangay Task-Force to End Local Communist Armed Conflict (BTF-ELCAC) ng Barangay Sta. Ines, Tanay, Rizal ang sinserong pakikipagkaisa ng 49 na mga dating sumuporta sa komonistang grupo na hinding-hindi na sila muling makikipagtulungan, bagkus ay buong sigasig na silang makikipagtulungan sa pamahalaan maging sa layunin at programa ng NTF-ELCAC. Ang panunumpa ay pinangunahan ng Chairman ng BTF-ELCAC na si Hon. Andrenico Zubiaga, Punong Barangay ng Sta Ines, Tanay, Rizal.

Sa kabilang banda, kinilala rin ng BTF-ELCAC ang pagsuko at pagbabalik-loob ng siyam (9) Part-time NPA o milisyang Bayan kasama ang isinukong isang (1) mataas na kalibre ng baril (Springfield Cal. 30 M1 Garand Rifle).


Ang naturang aktibidad ay nasaksihan ng mga kinatawan ng Punong-Lalawigan ng Rizal Gov. Nina Ricci Ynares sa katauhan ni Mr. Ricardo “Buboy” Bernados, Punong Bayan ng Tanay Hon. Rafael “Lito” Tanjuatco sa katauhan ni Hon. Aaron R. Guererro, Rizal Police Provincial Office (RPPO), Commander ng 202nd Infantry (Unifier) Brigade, Provincial Mobile Force Company (PMFC), Tanay Municipal Police Station at mga ahensyang kasapi ng PTF-ELCAC mula sa lalawigan at rehiyon-DOLE, TESDA, CDA, PSWDO, NCIP, NICA OPA, MSWDO, IPMR Board member, Technology and livelihood Development Center-Tanay.

Ang pagsuko ng siyam (9) MB at 40 na NPA Supporter ay produkto ng sama-samang pagsisikap ng mga nagtutulongang ahensiya ng pamahalaan na naging katuwang sa pagkumbinse sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo na sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan bunga ito ng maigting na pagpapatupad ng Executive Order No. 70 at reintegration program ng ECLIP.

Ayon sa mga sumukong MB na napabilang sa Kilusang Larangan Gerilya (KLG) NARCISO ng STRPC, SRMA 4A, hindi na nila matiis ang paghihirap na kanilang naranasan at napagtanto nila ang kabulukan ng armadong pakikibaka na kumitil ng maraming buhay at ng iba pang mga teroristang gawain para sa walang saysay na mithiin. Sa kabilang banda, nakita nila ang iba’t-ibang mga programang ipinapatupad ng pamahalaan na naglalayung paga-anin ang buhay ng mga dating rebelde upang magkaroon sila ng maayos at matiwasay na kinabukasan. Dagdag pa rito, namulat sila sa mga positibong pagbabago sa buhay ng kanilang mga dating kasamahan na naunang sumuko at ngayon ay nagtatrabaho na sa gobyerno.

Mainit na tinanggap ni BGEN Cerilo C Balaoro Jr, pinuno ng 202nd Infantry (Unifier) Brigade, ang pagsuko ng mga miyembro ng MB at nagpahayag ng kanyang pasasalamat dahil sa pagpasya ng mga ito na sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan. Ang kanilang desisyon na pagsuko ay malinaw na nagpapakita na ang patuloy na pagpapakalat ng impormasyon at kampanya ng pampublikong kamalayan ng gobyerno ay maayos at epektibong naipaabot sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) na mga lugar sa lalawigan ng Rizal, Quezon at Bulacan.

Sinabi din ni LTC Comendador sa mga nakilahok, “hindi magtatapos sa pagbabalik-loob ang serbisyo ng mga kasundaluhan bagkus ipagpapatuloy pa din nila ang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na maidulog ang kanilang mga pangangailangan upang lalo pang mapagtibay ang bagong organisasyong kanilang kinabibilangan para tuloyang wakasan ang insurhensiya para na sa tunay na kapayapaan at kaunlaran.

Patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan para sa mga natitirang miyembro ng teroristang NPA na sumuko at tanggapin ang mga tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) upang matulungan silang bumuo ng bago at maayos na pamumuhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.









Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace by the Philippine Army. It provides information on the activities of Army Units nationwide in the performance of their duty of Serving the People and Securing the Land. e-mail: kalinawnews@cmoregiment.com

https://www.kalinawnews.com/49-na-dating-myembro-ng-milisyang-bayan-mb-at-npa-supporters-taos-pusong-nanumpa-ng-pagsuporta-sa-pamahalaan-at-mga-layunin-ng-ntf-elcac/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.