Kabataang Makabayan – Demokratiko a Tignayan kadagiti Agtutubo iti Kordilyera (KM-DATAKO)
Cordillera People's Democratic Front
National Democratic Front of the Philippines
November 30, 2022
Nagkakamali ang estado sa pagsasabi nitong magagapi nito ang rebolusyunaryong kilusan.
Nagkamali na ang rehimeng US-Duterte sa ambisyon nitong wakasan ang digma sa bansa noong 2017…2018…2019…Hangal at ampaw ang deklasyong wawasakin ng NTF-ELCAC ang CPP-NPA-NDF sa pagtatapos ng 2022.
Higit na walang kapararakan ang pagbula ng bibig ng mga pasista’t berdugo sa pagsasabing “nililinlang”, “brainwashed”, “nagkakamali” ang mga kabataan sa pagtahak sa landas ng rebolusyon. Mulat at buong pusong niyayakap ng mga kabataan ang demokratikong rebolusyong bayan sa pakikibagkapit-bisig sa saligang alyansa ng mga manggagawa’t magsasaka kasama ng iba’t iba pang mga aping sektor. Ang kainutilan at kapabayaan ng estado ang mismong naghahawan sa malawak na kaparangan upang bagtasin ng mga kabataan ang armadong paglaban.
Taglay namin ang maningning na kasaysayan ng pakikibaka ng mga kabataan mula pa Batas Militar. Nananalaytay sa amin ang dugo palaban ng lahing mandirigmang Kaigorotan. Kami ang mga nagyayabong na kagubatang naipunla nina Macliing Dulag, Chadli Molintas, Jennifer Carino at iba pang martir at bayani. Kami ang bagong salinlahi ng mga rebolusyunaryong naaarmasan ng mga dakilang aral ng mayamang kasaysayan ng paglaban ng mamamayan.
Nagkakamali ang mga berdugo sa pag-aakalang ito’y aming talilikdan. Buong pagmamalaki naming itatanghal: Kami ang Kabataang Makabatan-DATAKO. Tayo ang Kabataang Makabayan-DATAKO. Nananatili, tumatatag.
Sa nagdaang taon, humarap tayo sa malaking hamon. Mula sa malubhang krisis dulot ng pandemya na sinamantala pa ng estado upang ginipit ang pagkilos ng mamamayan. Pisikal tayong pinaghiwalay ng mga rekstriksyon at ng obhetibong kalagayan.
Gayunpaman, hindi tayo nagpalimita. Sama-sama nating mapanlikhang tinuklas ang mga bagong arena ng mga laban, mga porma ng pagkilos at pag-oorganisa, maniobra at recovery, expansyon at konsolidasyon — mula kanayunan hanggang mga lungsod. Habang nagkukumahog ang estado sa pagsupil sa mamamayan, nagpupursigi ang mga kabataan sa paghahatid ng tulong sa mga komunidad na lubhang apektado ng sosyo-ekonomikong krisis at mga sakuna, nagtatambol at kumakamit ng mga signipikanteng tagumpay sa kampanyang masa, nagpapalawak at nagrerekluta sa mga rebolusyunaryong organisasyong masa at tuloy na nagpapaabot ng suportang materyal sa BHB at aktibong naglulunsad ng kampanyang pagpapasama. Sa nagdaang 2 taon, matagumpay na nakapagpalawak at nakapatayo ng mga bagong balangay at grupong pang-organisa ang KM-DATAKO sa buong Metro Baguio, nakapagpasampa sa BHB at patuloy na nakapaglulunsad ng mga pag-aaral hinggil sa rebolusyong Pilipino, pagsusuri sa mga maiinit na isyung kinahaharap ng mamamayan at mga saligang aralin hinggil sa Marxismo, Leninismo at Maoismo.
Namalas ng bansa ang di matatawarang katatagan at sigasig ng mga kabataan, sampu ng buong hanay ng mamamayang lumalaban, sa harap ng matinding pandarahas ng demonyong NTF-ELCAC.
Sa pagbabalik ng mga Marcos sa Malacanang, walang ibang inaasahan ang mamamayang Pilipino kundi ang pagpapalala sa kalagayang pagpapakutata ng bansa sa imperyalista mga dikta, pambabalaho sa pambansang pag-unlad at malawakang korupsyon at pagnanakaw. Ang pinakamasahol at sagad-saring tambalang Marcos-Duterte ang mukha ng mga halimaw at mabangis na uring naghahari’t tunay na kaaway ng sambayanang Pilipino. Gayunpaman, di rin mapigilan ang pagindhi ng tunggalian sa hanay ng mga naghahari; papalalang bitak sa pagitan mismo ng pangkating Marcos at Duterte. At habang nagkakagulo at nagtatalo-talo ang tumitinding paksyon sa pagitan mismo ng mga kaaway — nina Badoy, Quiboloy at Carlos, Salamat sa pagkabalaho ng reorganisasyon ng NTF-ELCAC, wala namang panahong dapat sayangin ang hanay ng mga rebolusyunaryo. Ito’y mapagpasyang panahon upang samantalahin ang di mapigil na pagkakabitak-bitak ng mga naghahari.
Hamon lalo sa ating mga kabataang ang lalo pangh magpakatatag. Abutin ang pinakamalwak na hanay ng mga kabataan sa mga paaralan, pagawaan at mga komunidad. Ikasa ang walang humpay na kilusang propaganda at gawaing pangkultura. Buong-panahong ialay ang lakas, talino at talento para sa rebolusyon at buong-pusong yakapin ang armadong paglaban at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan.
Totoo’t natitiyak nating magwawakas ang digma; ngunit ito’y hindi dahil sa NTF-ELCAC o kay Marcos. Magtatapos ang digma dahil ito’y ipagwawagi ng mamamayang Pilipino.
Mabuhay ang militanteng tradisyon ng paglaban ng mga kabataan!
Mabuhay ang Kabataang Makabayan-DATAKO!
Mabuhay ang rebolusyong Pilipino!
https://philippinerevolution.nu/statements/naturturred-nasirsirib-tayoangkmd/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.