November 30, 2022
Walang kalaban-labang pinaslang ng pinagsanib na pwersa ng 94th IB at 47th IB ang konsultant ng National Democratic Front (NDF) sa usapang pangkapayapaan at makata na si Ericson Acosta, at ang kasama niyang magsasaka kaninang madaling araw sa Sityo Makilo, Barangay Camansi, Kanbankalan City, Negros Occidental. Dinakip sila ng mga sundalo bandang alas-dos ng umaga, pero pinalabas na napaslang sa isang engkwentro.
Ayon sa ulat ng NDF-Negros, nasa Kabankalan City si Acosta para magkonsulta kaugnay sa sitwasyon ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa lugar, at magbahagi ng impormasyon kaugnay ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER). Si Acosta ay isa sa mga konsultant ng NDF na nagtatrabaho kaugnay ng CASER.
Sa kasalukuyan ay hindi pa napapangalanan ang kanyang kasama.
Kinundena ng NDF-Negros ang “summary execution” ng militar sa dalawa. “Ang dalawa ay biktima ng walang katuturang patakaran ng AFP na “take no prisoners” sa kanilang kampanyang kontra-insurhensya,” pagdidiin ni Ka Bayani Obrero, tagapagsalita ng NDF-Negros.
“Iniaalay ng buong rebolusyonaryong pwersa at masa ng Negros ang pinakamataas na pagkilala kay Ka Ericson Acosta,” ayon kay Ka Bayani. Nagpaabot rin siya ng pakikidalamhati sa naulilang pamilya ni Ka Ericson higit lalo sa kanilang anak. Si Acosta ay asawa ni Kerima Tariman, isang Pulang mandirigma na nadakip at pinaslang ng mga tauhang ng 79th IB noong Agosto 20, 2021 sa Silay City.
Ayon sa NDF-Negros, “nawalan ngayong araw ang mamamayang Pilipino ng isang rebolusyonaryo, propagandista, makata, kompositor, mamamahayag, at isang mandudula.”
Dagdag sina Ka Ericson at kanyang kasama sa mahigit isandaang rebolusyonaryo at kanilang kasamang sibilyan na pinaslang ng armadong pwersa ng estado na labag sa internasyunal na makataong batas.
Pagtatapos ng NDF-Negros sa kanilang pahayag, “ang madugong pagpaslang sa kanya ay dagdag na ningas sa dati nang nagngangalit na panlipunang bulkan sa Negros at maghahatid ng daluyong ng bagong dugo sa pambansa demokratikong rebolusyon.”
Bumuhos na sa social media ang panawagan ng mga kaibigan ni Ka Ericson, kanyang mga kakilala at mga nabigyang inspirasyon, para sa hustisya para sa kanya at kanyang kasama, gayundin ang pagkilala sa kanila bilang martir at bayani ng sambayanan.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/peace-consultant-at-makatang-si-ericson-acosta-pinaslang-ng-militar/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.