Tuesday, July 19, 2022

Kalinaw News: 23 FRs nakatanggap ng halos kalahating milyon piso sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan

From Kalinaw News (Jul 18, 2022): 23 FRs nakatanggap ng halos kalahating milyon piso sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (23 FRs received nearly half a million pesos from the Cagayan Provincial Government)



CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela- Umabot sa halos kalahating milyon ang natanggap na tulong pangkabuhayan ng mga Former Rebels mula sa Cagayan Provincial Social Welfare Development (PSWDO) Office noong ika-15 ng Hulyo taong kasalukuyan. Sa isang panayam, sinabi ni Ginang Elvira Layus, Social Welfare Officer III ng PSWDO, katuwang ang 17th Infantry Battalion at kapulisan, kanilang naipagkaloob ang tig-20,000 pesos sa 23 na mga Former Rebels mula sa mga munisipalidad ng Alcala, Gattaran, Lal-lo, Sto. Niño, at Rizal.

“Ang tulong pangkabuhayan na kanilang natanggap ay galing sa pondo ng Cagayan Provincial Government. At ang pangkabuhayan ng Former Rebels ay depende sa livelihood seminar na kanilang sinalinan. Nakaagapay naman ang PSWDO ng Cagayan sa kanilang pagtatayo ng negosyo upang masiguro na lalago itong puhunan na ating ipinagkaloob,” pahayag ni Layus. Sa kabilang banda, nangako naman ang mga benepisyaryo na hindi nila sasayangin ang puhunang ibinigay sa kanila na parte ng kanilang reintegration.

“Maraming salamat po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, PSWDO, kapulisan at sa kasundaluhan din ng 17IB sa tulong na ito. Malaking tulong ito para sa amin at sa aming pamilya. Asahan po ninyo na palalaguin namin ang pangkabuhayan na inyong ibinigay,” saad ni alyas Rodel, isa sa mga Former Rebels. Samantala, nagpasalamat naman si LtC Oliver C Logan, Battalion Commander ng 17IB sa suportang ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang matugunan ang problema sa insurhensiya sa lalawigan. Aniya matagumpay ang implementasyon ng Whole-of-Nation Approach dahil sa aktibong pakikipagtulungan ng bawat ahensya ng pamahalaan.




Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/23-frs-nakatanggap-ng-halos-kalahating-milyon-piso-sa-pamahalaang-panlalawigan-ng-cagayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.