From Kalinaw News (May 30, 2022): NICA at 17IB sa mga kabataan: Huwag magpalinlang sa CPP-NPA-NDF (NICA and 17IB to the youth: Do not be fooled by the CPP-NPA-NDF)
RIZAL, Cagayan – Bagamat naideklara nang insurgency-cleared ang Zinundungan Valley na kinabibilangan ng mga barangay ng Masi, San Juan at Bural sa bayang ito, patuloy pa rin ang 17th Infantry Battalion katuwang ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa pagsasagawa ng mga peace symposium upang hindi na muling manumbalik pa ang pagsuporta ng mga residente lalong-lalo na ang mga kabataan sa maling ideolohiya ng CPP-NPA-NDF.
Sa pamamagitan ng Youth for Peace (YFP) Cagayan chapter, ibinahagi ni John Carlo Manzano, presidente ng organisasyon, ang adhikain ng YFP sa pagpapalaganap ng mga makabuluhan at produktibong aktibidad para sa mga kabataan upang mailayo sila sa mapaglinlang na taktika ng rekrutment ng mga miyembro ng makakaliwang grupo.
Sa naging presentasyon nito sa naging tagumpay ng YFP sa nakalipas na isang taon, binigyang diin nito na hindi lang nakatuon sa mga team building activity ang kanilang organisasyon dahil nagsasagawa rin sila ng mga peace symposium kung saan iba’t ibang kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan ang iniimbitahan upang magbahagi ng bagong kaalaman, pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan at iba pa na malayo sa magulo at madilim na buhay ng isang NPA.
“Hindi lang dapat laging para sa sarili. Mabigat mang sabihin at gawin, pero dapat para sa bayan naman. Dun tayo sa matinong organisasyon gaya ng FYP at huwag sa CPP-NPA-NDF na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan,” aniya.
Naging katuwang ni Manzano si Babylyn Rivera, ang presidente ng YFP Lasam chapter.
Sinusugan naman ng NICA sa pamamagitan ni Regional Director Phlormelinda Olet ang sinabi ng YFP sa pagbabahagi kung ano-ano ang mga rason kung bakit kabataan ang target ng CPP-NPA-NDF at iba’t ibang paraan nila para manlinlang ng kapwa nila kabataan.
Aminado si Olet na napakahusay mangumbinsi ng mga organisador ng mga makakaliwang grupo dahilan upang mabilis ma-enganyo ang ilang mga kabataan na sumapi sa kanilang kilusan.
Gayunpaman, naniniwala ito na sa patuloy na pagbabahagi ng mga taktika nila at mga impormasyon na galing mismo sa mga dating rebelde na boluntaryong sumuko, mas nagiging bukas ang isipan ng mga kabataan na hindi makakatulong sa pagkamit ng kanilang pangarap ang pagsuporta sa kanilang organisasyon.
“Nu payagan tau isuda nga marecruit da tayu, siyempre maranasan tâu ti narigat a biag. Adun apu ti nakasarsarita mi nga dati miyembro ti NPA nga ibaga da nga narigat talaga isa nga agtaktaka kami nga adda latta sumrek, maal-lilaw dagamin,” said Olet
[If we will fall into their trap of deceitful recruitment, we will experience hardship. We have talked to many former rebels and their testimonies proved how awful to become a member of the CPP-NPA-NDF.]
Samantala, mismong si Alyas Ka Jerry ang nagbahagi ng kanyang personal na karanasan nang aktibo pa itong miyembro ng teroristang grupo na ayon sa kanyang paglalarawan – ang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.
“Nagrigat ubbing. Nagrigat ti taray nga taray nu adda ti militar nga mangkamat idi kanyami. Malaksid nga maiyadu kayu pamilyayu, nu agsakit kami idi han kami makapan ospital nga mapan agpaagas. Isu haan kayu agpaloko kanyadan. Haan nak mabuteng kanyada ta ulbudda,” ani Ka Jerry.
[Ang hirap (ng buhay) na maging isang NPA. Ang hirap na takbo ka nang takbo kung merong mga sundalo noon na hahabol sa amin (sa bundok). Maliban sa mailalayo ka sa pamilya mo, kung magkakasakit kami noon ay hindi kami pwedeng pumunta ng ospital upang magpagamot. Kaya huwag kayong magpaloko sa kanila. Hindi na ako matatakot sa kanila dahil sinungaling sila.]
Nagsagawa rin ang kasundaluhan sa pamamagitan ng 501st Infantry Brigade ng maikling pagbabahagi kung paano makakapasok sa Philippine Military Academy (PMA) at sa Philippine Army kung saan nagkaroon ng interaktibong palitan ng katanungan na nagpapakita ng interes ng ilang kabataan na maging mga susunod na kawal ng pamahalaan.
Naniniwala naman si Atty. Joel Ruma, ang bise-mayor ng nasabing bayan na mapapanatili ng Zinundungan Valley ang insurgency-cleared status nito dahil sa patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang ahensiya ng pamalaan upang magbigay ng tulong sa mga komunidad na kabilang dito at patuloy na presensiya ng kapulisan at kasundaluhan upang masigurong ligtas ang mga residente rito laban sa banta ng CPP-NPA-NDF.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/nica-at-17ib-sa-mga-kabataan-huwag-magpalinlang-sa-cpp-npa-ndf/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.