Posted to Kalinaw News (Apr 14, 2022): Apat na dating mga child warriors ng CTG nakatanggap ng tulong pinansyal (Four former CTG child warriors received financial assistance)
Bangag, Lal-lo – Nakatanggap ng tig-10,000 pesos mula sa Commission on Human Rights (CHR) ang apat na mga dating tinaguring child warrior ngayong araw, ika-12 ng Abril taong kasalukuyan sa Headquarters ng 17th Infantry Battalion, Bangag, Lal-lo, Cagayan.
Personal na ipinagkaloob ni Atty. Jimmy Baliga, Regional Director ng CHR R02 ang nasabing halaga ng tulong pinansiyal kina alyas Rain, alyas Rhian, alyas Hanna, at alyas Victor. “May programa talaga ang CHR na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga biktima ng Violation of Human Rights. Ang apat na benepisyaryo natin ngayong araw ay mga biktima ng violations under the rights of a child. Hindi lamang sila ang makatatanggap ng financial assistance mula sa ating tanggapan. Mayroon pang mga susunod pero kinakailangan pa nating i-evaluate ng mabuti.”
“Nagpapasalamat ako sa CHR at 17IB dahil sa tulong na kanilang ipinagkaloob dahil magagamit ko ito sa aking pag-aaral. Sana ay matulungan din ang iba naming mga kasamahan lalo na ang mga kabataang minsan nang nalinlang ng NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan upang maabot din nila ang kanilang mga pangarap,” ani alyas Rhian matapos matanggap ang tulong pinansyal.
Ang mga nabanggit na benepisyaryo ay nasagip ng kasundaluhan noong buwan ng Pebrero taong 2021 matapos gawing child warrior ng Communist Terrorist Group na kumikilos sa probinsya ng Apayao at Cagayan.
Samantala, nagpasalamat din si Lieutenant Colonel Oliver C Logan, Battalion Commander ng 17IB sa tulong na ipinagkaloob ng naturang tanggapan sa mga former rebels. “Sa ilalim ng Whole-of-Nation Approach marami tayong magagawa at marami tayong mga former rebels na mabibigyan ng tulong. Hangad natin ang positibong pagbabago sa ating mga former rebels lalo na sa mga kabataan. Kung kaya, lubos din ang ating pasasalamat sa tulong na ito ng CHR. Naway tuluy-tuloy ang ating pagkakapit-bisig para sa wakasan ang terorismo sa ating komunidad!”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/apat-na-dating-mga-child-warriors-ng-ctg-nakatanggap-ng-tulong-pinansyal/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.