Monday, March 7, 2022

WESTMINCOM: Tatlong Miyembro ng Communist-Terrorist Group ang Nagbalik-Loob sa Pamahalaan sa Bayan ng Matalam

Posted to the Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Facebook Page (Mar 7, 2022): Tatlong Miyembro ng Communist-Terrorist Group ang Nagbalik-Loob sa Pamahalaan sa Bayan ng Matalam (Three Members of the Communist-Terrorist Group Returned to the Government in the Town of Matalam)

#SupportOurTroops
#SundaloSalamatsaSerbisyo
#AFPyoucanTRUST
#TeamAFP
#TeamWestMinCom
#WholeofNationApproach



4th Civil Relations Group

Tatlong Miyembro ng Communist-Terrorist Group ang Nagbalik-Loob sa Pamahalaan sa Bayan ng Matalam

Tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa bayan ng Matalam noong ika-2 ng Marso 2022.
 
Dalawa (2) sa kanila ang aktibong miyembro ng Militiang Bayan, at isa (1) naman ang regular na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ang kahirapan sa buhay at labis na pangamba sa kanilang kaligtasan sa gitna ng pandemya ang nagtulak sa tatlong nagbalik-loob upang iwan ang kanilang grupo at mamuhay ng tahimik. Kasabay ng kanilang pagbabalik-loob ay ang pagsuko ng isang (1) Garand Rifle na may na may kasamang apat (4) na bala, at dalawang (2) Shotgun Rifles.
 
Ang mga nagbalik-loob ay pormal na iprinisenta ni LTC ROMMEL T MUNDALA INF (GSC) PA, ang Commanding Officer ng 90IB; at 1LT RONALDO G DISO (INF) PA, Commanding Officer ng Charlie Company kay Hon. Oscar M Valdevieso, ang Alkalde ng bayan ng Matalam. Nag-abot naman ng inisyal na cash assistance ang alkalde sa tatlong nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ang pormal nilang pagbabalik-loob ay bunga ng pagsisikap ng pamahalaan katuwang ang kasundaluhan at kapulisan na mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang tulad nilang nagkamali ng paniniwala na ipinaglaban.
 
Ang himpilan ng kasundaluhan at kapulisan ay bukas para sa mga kapatid natin na nais magbalik-loob sa pamahalaan. Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng kasundaluhan, lokal na pamahalaan, at taong bayan ay mapapanatili ang kapayapaan at maitataguyod ang matagal nang minimithing kaunlaran. | @90th Infantry Bigkis Lahi Battalion
https://www.facebook.com/photo/?fbid=325081042979993&set=a.226169572871141

https://www.facebook.com/westmincomafp2021/?ref=page_internal

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.