Thursday, March 24, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: BHB-Surigao del Sur, inilinaw ang naganap na depensiba sa Marihatag

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 24, 2022): BHB-Surigao del Sur, inilinaw ang naganap na depensiba sa Marihatag (NPA-Surigao del Sur, clarified the defensive that took place in Marihatag)




March 24, 2022

Sa isang panayam sa lokal na radyo sa Surigao del Sur kaninang umaga, Marso 24, inilinaw ni Ka Sandara Sidlakan, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa prubinsya, ang naganap na depensibang aksyon ng yunit ng BHB sa Barangay San Isidro, Marihatag noong Marso 21 sa 75th Infantry Battalion.

Ayon kay Ka Sandara, totoo ang naganap na labanan at mayroong isang Pulang mandirigmang nasawi sa insidente. Gayundin, apat na armas taliwas sa pinalalabas ng militar na anim ang naiwan sa pinangyarihan ng labanan.

Pinasinungalingan din ni Ka Sandara ang ipinakakalat na pangalan ng Pulang mandirigmang napaslang sa insidente. “Hindi totoo ang pangalang pinalulutang ng mga sundalo sa lokal na midya,” dagdag ni Ka Sandara.

Nang tanungin ng nag-iinterbyu sa pangalan ng napaslang, sinabi ni Sidlakan na hindi muna nila ilalabas ang tunay na pangalan ng napaslang bilang pagrespeto sa pamilya ng namartir na Pulang mandirigma. Inilinaw niya na taga-Agusan del Norte ang namartir at hindi Surigao del Sur tulad ng pinakakalat ng militar.

Sa pagtatapos ng panayam, nagpaalala rin siya sa mga yunit ng BHB na dapat iwasan ang mga depensibang aksyon at gamitin ang mga taktikang gerilya tulad ng pagiging makilos, pagbabantay sa palibot at iba pa.

“Hindi maiiwasan ang pagkamatay sa paglulunsad ng digma, pero ang mahalaga ay kung para saan inialay ang buhay ng mga kasama. Para kanino?” pagtatapos ni Ka Sandara.

https://cpp.ph/angbayan/bhb-surigao-del-sur-inilinaw-ang-naganap-na-depensiba-sa-marihatag/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.