Spokesperson
NDF-Bicol
National Democratic Front of the Philippines
January 19, 2022
Nananawagan ang NDF-Bikol sa mga Bikolano sa lahat ng anim na prubinsya na maghanda at paigtingin ang pakikibaka upang ipagtanggol ang kanilang buhay at kabuhayan. Pinaarangkada na ng rehimeng US-Duterte ang huling hirit nito sa pagpapatupad ng mga neoliberal na mga programa at proyekto sa rehiyon ng Bikol. Tiyak na sa ngalan nito, ubos kayang magsasagawa ang rehimen ng mararahas na hakbangin maisakatuparan lamang ang naturang dambuhalang proyekto. Pinirmahan nitong Enero 17 ang ang kontrata sa pagitan ng reaksyunaryong gubyerno at ng China Railway Groups para sa proyektong Philippine National Railways-South Long-haul (Calamba-Daraga). Nagkakahalaga ito ng P142 bilyon – pinakamalaking kontrata na pinasok ng rehimeng US-Duterte para sa Build, Build, Build (BBB).
Hindi na bago para sa mga Bikolano ang walang pagtatanging pagragasa ng mga BBB na proyekto sa rehiyon. Mahigit 10 na sa mga proyektong ito ang naitayo sa Bikol. Kabilang dito ang Bicol International Airport sa Albay, Pasacao-Balatan Tourism Coastal Highway sa Camarines Sur at Sorsogon City Coastal Bypass Road. Ang lahat ng mga proyektong ito ay sumagasa sa mga lupaing taniman, kabuhayan at panirahan ng masang Bikolano. Tulad ng mga nauna rito, malawakang dislokasyon din ang tiyak na idudulot ng neoliberal na proyektong PNR South Long Haul. Mula nang balakin ang proyekto noong 2017, tinataya nang nasa 600,000 kabahayan ang idedemolis mula Manila hanggang Bikol. Halos kalahating milyon sa kabuuhang bilang ng palalayasin ay sa rehiyong Bikol habang 15,000 kabayahan ang apektado mula Manila hanggang Batangas at 25,000 naman kung mula Manila hanggang Quezon.
Ang masakit pa, tiyak na ang pondong uutangin mula sa Tsina para sa proyektong ito ay pagbabayaran nang malaki ng sambayanang Pilipino. Liban sa ipapabalikat ng rehimen sa masa ang pagbabayad-utang sa porma ng nakalululang buwis, nakakolateral din ang soberanya ng bansa at ang mga teritoryo ng Pilipinas na pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming mga komunidad.
Gayundin, sa buong panahon din ng panunungkulan ni Duterte hanggang Enero 2022, nakapagtala ng 1,467 kaso ng mga paglabag sa karapatan ng mga Bikolano alang-alang sa pagtatayo ng mga naturang proyekto. Ang panibagong dambuhalang proyekto ay tiyak na magpapatindi pa sa pagdami ng bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatan sa ekonomya at kalayaang sibil ng mamamayan sa buong Bikol.
Ngunit sa buong panahong ding ito, nagpakita ng katatagan ang mamamayan ng rehiyon sa bawat hambalos ng karahasang ipinataw sa kanila ng malupit at gahamang rehimen ni Duterte. Sa gitna ng nakaambang pagpasok ng PNR South Long Haul project, hinihikayat ng NDF-Bikol ang mga Bikolano na higit na patatagin pa ang kanilang hanay. Ipaglaban ang mga karapatan sa buhay at kabuhayan ng bawat Bikolano. Makakaasa ang magigiting na mamamayang lumalaban na kasama nila ang NDF-Bikol sa bawat hakbang nila tungo sa tagumpay.
https://cpp.ph/statements/tutulan-ang-marahas-na-pagsagasa-ng-build-build-build-sa-buhay-at-kabuhayan-ng-mga-bikolano/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.