Thursday, January 20, 2022

CPP/Ang Bayan Propaganda News & Analysis: Mga namatay sa tuberkulosis, dumami sa panahon ng pandemya

Ang Bayan daily propaganda news & analysis posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 20, 2022): Mga namatay sa tuberkulosis, dumami sa panahon ng pandemya
 





January 20, 2022

Tumaas ang bilang ng mga namatay sa sakit na tuberkulosis (TB) noong 2020 — pinakamataas sa nakaraang sampung taon — dahil sa pagkatigil ng mga batayang serbisyong pangkalusugan sa panahon ng pandemya. Kasunod ang TB sa Covid-19 sa mga nakahahawang sakit na sanhi ng pinakamaraming namatay tao sa buong mundo noong 2020. Umabot sa 1.5 milyon katao ang namatay dahil dito.

Sa panahon ring ito, bumaba ang bilang ng mga kasong nadayagnos at sa gayon ay hindi nagamot. Mula 7.1 milyong naiulat na kaso noong 2019, nasa 5.8 milyon na lamang ang nadayagnos noong 2020. Napakababa nito kumpara sa 10 milyon na tinatayang mahahawa ng sakit para sa taon. Sa taya ng WHO, aabot sa 4.1 milyon ang di nadayagnos at kung hindi magagamot ay nanganganib na mamamatay.

Bumaba din ang bilang ng mga may TB na nagpagamot nang 21%.

Ayon sa World Health Organization, mayor na dahilan ng pagbaba ng naiulat na mga kaso ng TB ang paggamit ng maraming estado sa mga rekurso para sa pagsugpo nito tungo sa pag-apula ng Covid-19. Malaking dahilan din ang pahirap na mga lockdown na pumigil sa maraming mamamayan na makatamasa ng batayang mga serbisyong pangkalusugan.

Sa buong mundo, isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng kasong hindi naiulat. Pinamakataas ang tantos ng mga kasong di naulat sa India (41%), Indonesia (14%), Pilipinas (12%) at China (8%). Isa rin ang Pilipinas sa 30 bansa na may pinakamaraming namatay sa TB.

https://cpp.ph/angbayan/mga-namatay-sa-tuberkulosis-dumami-sa-panahon-ng-pandemya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.