SAMUEL GUERRERO
SPOKESPERSON
NPA-SORSOGON
November 23, 2021
Suyang-suya at napapagod na ang mga mamamayang Sorsoganon sa paulit-ulit na “pagpapasurender” o pagpapasumpa sa kanila ng 31st IBPA. Ito ang reklamo ng mga sibilyang makalawang beses nang pinasurender ng AFP nitong mga nagdaang buwan.
Naglunsad ng tinaguriang Serbisyo Caravan at RCSP sa Brgy. San Jose at Brgy. San isidro sa bayan ng Bulusan at Brgy. San Ramon sa bayan ng Barcelona at Brgy. Bitan-O sa Sorsogon City. Ang mga barangay na ito ay kabilang sa 113 na barangay sa buong probinsya ng Sorsogon na may sapilitang pinasurender sa ilalim ng E-CLIP mula 2018 hangang kasalukuyan. Tulad ng dating gawi ng AFP nang una silang maglunsad ng RCSP sa naturang mga barangay noong 2020, ang mga target na sibilyan ay araw-araw na iniinterbyu na umabot hanggang tatlong beses, sapilitang pinapipirma sa mga dokumentong hindii malinaw kung para saan at pwersahang kinukunan ng litrato. Lumundo ang nakaririnding aktibidad sa pagpapatipon at sapilitang pagpapasumpa sa mga biktima ng katapatan sa estado at pagpapaamin na sila ay mga tagasuporta ng NPA.
Ilang beses nang inireklamo ng mga sibilyan ang sagabal na ginagawa ng ganitong mga aktibidad sa kanilang kabuhayan. Di na sila makapunta sa kanilang sakahan dahil inoobliga silang dumalo sa mga interbyung ginagawa ng mga sundalo para umano “linisin” ang kanilang mga pangalan. Kapag tumanggi silang dumalo sa patawag, aakusahan naman silang NPA. Natatakot din silang baka gamitin laban sa kanila ang mga dokumentong pinapirmahan sa kanila.
Minsan nang dumulog ang ilang biktima sa alkalde ng Barcelona at iba pang opisyal ng gobyerno pero walang anumang itinugon ang mga kinauukulan.
Tanong ng mga tao kina 9th ID commander MGen Henry Robinson Jr at 31st IB commander Lt. Col Marlon Mojica, ilang ulit ba sila dapat sumumpa at sumuko para lubayan na sila ng AFP? Kung anu-ano pang benepisyo sa ilalim ng E-CLIP ang ipinangangako ninyo sa mga biktima pero puro perwisyo lang ang dinaranas nila.
Sa paulit-ulit na paglulunsad ng ganitong panghaharas sa mga sibilyan ay lalo lamang ginagatungan ng AFP ang galit ng mamamayang Sorsoganon. Lalo pang nasusuklam ang mga tao sa reaksyunaryong estado at mga pasistang pakana nito. Hindi mapagtatakpan ng libreng gupit, masahe at kung anu-ano pang pakitang-tao ng AFP ang karahasan at pasismong dinaranas ng mamamayan sa kamay ng mga pwersa ng estado. Hungkag at hindi rin makalulutas sa armadong tunggalian sa bansa ang kahit ilang ulit na pagpapasuko at pagpapasumpa sa mamamayang walang kalaban-laban.
https://prwcinfo.wordpress.com/2021/11/23/ilang-beses-ba-pupwersahing-sumuko-ang-mga-sibilyan-sa-sorsogon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.