Monday, November 22, 2021

CPP/NDF-MAKIBAKA: Pagpupugay ng MAKIBAKA kay Ka Oris at Ka Pika

Propaganda statement posted to the PRWC Newsroom (Nov 21, 2021): Pagpupugay ng MAKIBAKA kay Ka Oris at Ka Pika
 

MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN (MAKIBAKA)

November 21, 2021

Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng MAKIBAKA (Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan) at ng laksa-laksang mga rebolusyonaryong kababaihan sa buong bansa para kay Jorge ‘Ka Oris’ Madlos at Eighfel ‘Ka Pika’ Dela Peña.

Nagluluksa at nagpupuyos sa galit ang sambayanang Pilipino sa pananambang, walang habas, at patraydor na pagpaslang ng mga pasistang berdugo kay Ka Oris at Ka Pika habang ang dalawa ay lulan ng motorsiklo patungong ospital para sa kanyang ‘medical check up’ noong Oktubre 29, 2021.

Si Ka Oris, isa sa mga nangungunang kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas at maalamat na Pulang kumander mula sa Bagong Hukbong Bayan sa Mindanao at si Ka Pika, Pulang mandirigma, ay mga bayani ng masang api at ng rebolusyon.

Mali ang mga pasista sa pag-aakala nila na ang rebolusyon ay magagapi kung papaslangin ang mga pinuno nito. Kaya man nilang patayin ang isang rebolusyonaryo, hinding-hindi nila mapapatay ang rebolusyon. Bagkus, sisibol ang libu-libong mandirigma na magtutuloy ng sulóng sinilaban para sa rebolusyon!

Hindi masasayang ang dakilang sakripisyo na inialay ni Ka Oris at Ka Pika, sapagkat patuloy na magpupunyagi ang kababaihan at ang mamamayang Pilipino para sa paghahawan ng daan tungong tagumpay!

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang pambansa-demokratikong rebolusyon!

https://prwcinfo.wordpress.com/2021/11/21/pagpupugay-ng-makibaka-kay-ka-oris-at-ka-pika/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.