Inianunsyo kahapon ni Pres. Joe Biden na hindi na pahihintulutang pumasok sa US ang lahat ng upisyal sa gubyerno ng Nicaragua. Ipinatupad ito bilang bahagi ng komprehensibong imperyalistang atake ng US sa Nicaragua kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng mamamayan nito sa kanilang pambansang eleksyon noong Nobyembre 7. Layon ng US at mga alyado nito na maliitin at hindi kilalanin ang popular na demokratikong proseso.
Sa naturang eleksyon, nanalo sa ikaapat na magkakasunod na termino ang pangulo ng Nicaragua na si Daniel Ortega, na nakakuha ng 2,093,834 boto o katumbas ng 76% ng kabuuang popular na mga boto. Nanalo din ang kanyang asawa na si Rosario Murillo bilang bise-presidente. Tinalo ni Ortega ang anim na katunggali, kabilang na ang mga nominado ng mga partidong pulitikal na binuo at pinopondohan ng US. Si Ortega ay nagmula sa Sandinista, isang partidong deklaradong sosyalista at kristyano, na kinikilala na bahagi ng patriyotikong kilusang Bolivarian na lumalaban sa dominasyon ng imperyalismong US sa mga bansa sa Latin America.
Una nang naglabas ng resolusyon noong Nobyembre 12 ang General Assembly of the Organization of American States sa pangunguna ng US para ideklarang “hindi malaya, patas o malinaw at walang demokratikong pagkalehitimo” ang eleksyon. Taliwas sa alegasyong “huwad” at “hindi-demokratiko” ang sistemang elektoral sa Nicaragua, malaking bilang ng mamamayan (65%) ang bumoto. Daan-daang internasyunal na mga tagamasid sa eleksyon ang mismong nakasaksi na mapayapa at matatag na isinagawang ang proseso.
Para ipawalangsaysay ang eleksyon, ginagamit ng imperyalismong US ang mga alegasyon ng katiwalian at pulitikal na panunupil na kinahaharap ni Ortega. Kabilang na rito ang “pag-aresto” sa kanyang mga “katunggali sa pulitika” bago ang eleksyon. Gayunpaman, hindi binabanggit sa imperyalistang midya na ang mga ipinaaresto ay pawang mga indibwal na napatunayang lumahok at nanguna sa mararahas na protesta na pinondohan at idinirehe ng US para ipagtigil ang progresibong mga repormang panlipunan sa bansa.
Noong Lunes, naglabas rin ng resolusyon ang US para i-blacklist ang siyam na matataas na upisyal ng Nicaragua, kabilang na ang mga ministro, bise-ministro at mga embahador nito. Sa bisa ng resolusyon, ang mga ari-arian sa US ng mga naturang indibidwal ay ipina-freeze (ipinagbawal na galawin o gamitin sa anumang operasyon) ni Biden at ipinagbawal ang pakikipagtransaksyon sa kanila ng sinumang Amerikano. Mas masahol pa, plano ng US at mga alyado nito na pagpataw ng blokeyo sa ekonomya sa Nicaragua para gipitin at pilitin itong sumunod sa dikta ng US.
Ang partidong Sandinista ay matagal nang nangunguna sa paglaban sa panghihimasok ng US sa Nicaragua. Ang partidong ito ay nagmula sa Sandinista National Liberation Front, isang malapad na nagkakaisang prente na naglunsad ng pakikidigmang gerilya laban sa papet ng US na si Anastasio Somoza Garcia na napatalsik sa isang insureksyon noong 1979. Binuo at pinondohan ng US ang armadong grupong Contras noong 1981 na naghasik ng karahasan, pananabotahe at panggigipit noong buong dekada 1980 upang paluhurin ang gubyernong Sandinista at pwersahin itong gumawa ng mga konsesyong pampulitika. Natalo ang Sandinista sa eleksyong 1990 na lubos na pinakialaman ng US. Muling nakabalik sa poder ang partidong Sandinista noong 2007. Mula noon, kinikilala ang makabuluhang mga pagsulong sa Nicaragua laluna sa sistema sa kalusugan, edukasyon, imprastruktura, soberanya sa pagkain at pagkakapantay-pantay sa kasarian.
Agresibong ipinapataw ng US ang hegemonya nito sa Nicaragua dahil sa heograpikal na katangian ng bansa at mayaman nitong natural na mga rekurso. Nagsimula ang interbensyong militar sa bansa noon pang huling bahagi ng ika-19 siglo para pigilan ang ibang mga bansa sa naudlot na planong pagtatayo at paggamit sa Nicaraguan Canal, isang lagusan sa pakikipagkalakalan na nagdudugtong sa Caribbean Sea at Pacific Ocean, at sa gayon ay maglalatag ng mas maiksing ruta sa pakikipagkalakalan para sa US. Malaki rin ang interes ng US sa matabang lupa, preskong tubig at rekursong mineral nito. Sa kasalukuyan, halos kalahati ng kabuuang eksport ng Nicaragua ay napupunta sa US.
Direktang inokupa ng US ang Nicaragua mula 1912 hanggang 1933 bilang bahagi ng tinaguriang Banana Wars (dahil sa malalawak na plantasyon ng saging na itinayo ng mga dayuhang korporasyong) na inilunsad ng US sa Central America at Caribbean. Matapos nito ay iniluklok ng US ang papet na si Anastasio Somoza Garcia para tiyakin ang neokolonyal na kontrol nito sa Nicaragua.
Ang imperyalistang interbensyon sa Nicaragua ay kasalukuyang pinangungunahan ni US Ambassador Kevin Sullivan na unang itinalaga ni Pres. Donald Trump, at pinananatili ni Pres. Joe Biden. Noong nakaraang buwan, binatikos ng Nicaraguan Ministry of Foreign Affairs si Sullivan na anito’y tagapagtaguyod ng imperyalistang tradisyon ng panghihimasok at kontra-rebolusyonaryong mga atake ng US laban sa mga mamamayan ng Latin America. Nanawagan ito kay Sullivan na “itigil ang kanyang palihim na mga atake … at ang nagpapatuloy, buktot, kamuhi-muhi, mapangialam na panghihimasok ng US sa Nicaragua.” Anito, patuloy na ilalantad at babatikusin ng mamamayang Nicaraguan ang napakaraming abusado at kriminal na interbensyon ng US sa bansa.
https://cppangbayan.wordpress.com/2021/11/18/umiigting-na-pag-atake-ng-us-sa-gubyernong-sandinista-ng-nicaragua/

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.