Monday, October 4, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Wyeth, iligal at tusong nagtanggal ng 21 manggagawa

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 4, 2021): Wyeth, iligal at tusong nagtanggal ng 21 manggagawa


ANG BAYAN | OCTOBER 04, 2021



Galit ang mga manggagawa sa iligal na pagtanggal ng Nestle-Wyett sa 21 unyonista at regular na manggagawa noong Setyembre 30. Ayon sa mga manggagawa, pinatawag sila sa isang diumanong “team building activity.”

Sa pulong na iyon ibinigay sa kanila ng maneydsment ang “notice of redundancy” o pabatid ng pagsisisante sa 21 manggagawa at unyonista. Nakasaad sa pabatid na kailangan ng 21 na pumirma na sumasang-ayon sila sa pagsisisante at mag-apply sa ibang pusisyon.

Kabilang sa mga tinanggal sa pwesto ang mga forklift operator at quality inspector, mga gawaing esensyal sa kumpanya. Ayon sa unyon ng Wyeth, imposibleng tumakbo ang operasyon ng kumpanya kung wala ang mga manggagawa para rito. Liban dito, halos wala ring bakanteng pusisyon sa iba pang dibisyon ng trabaho sa Wyeth kung saan pinag-aaplay ang mga sinisanteng manggagawa.

Kinundena rin ng unyon ang pagbabawal ng kumpanya na papasukin ang mga manggagawa. Anila, Oktubre 31 pa nakatakdang maging epektibo ang notice of redundancy pero unang araw pa lamang ng Oktubre ay pinagbabawalan nang pumasok ang mga sinisanteng manggagawa.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/wyeth-iligal-at-tusong-nagtanggal-ng-21-manggagawa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.