Sunday, October 10, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Sa ulat ng Nikkei Asia, Pilipinas, kulelat na naman

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 9, 2021): Sa ulat ng Nikkei Asia, Pilipinas, kulelat na naman


ANG BAYAN | OCTOBER 09, 2021



Sa pangatlong pagkakataon ngayong buwan, kulelat na naman ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang niranggo ayon sa husay ng pagtugon sa pandemya. Ayon sa pananaliksik ng Nikkei, isang kilalang pahayagan pangnegosyo na nakabase sa Japan, ang Pilipinas ay nasa dulo o pinakahuli sa sinusubaybayan nitong 121 bansa. Inilabas ng pahayagan ang pagkukumpara noong Oktubre 7.

Mayor na salik sa pagsadsad ng ranggo ang bagal at kitid ng kampanya nito sa pagbabakuna.

Ayon sa Nikkei, nahuhuli ang Pilipinas sa pagbabakuna. “Halos 30% pa lamang ng kabuuang populasyon ang kumpletong nabakunahan laban sa Covid-19,” paliwanag ng Nikkei.

Binigyang-pansin ng pahayagan ang unti-unting pagluluwag ng ekonomya, gaya ng pagpahintulat sa mga gym, kainan, mga salon sa mga indibidwal na may kumpleto nang bakuna.

Ang ulat ay nakabatay sa mga kategoryang pagkontrol sa pagkalat ng impeksyon, pamamahagi ng bakuna at pagkontrol sa galaw ng mamamayan. Ginagrado ang mga bansa mula 0 hanggang 90. Nakapagtala ang Pilipinas ng 30.5 na grado. Pinakamahusay naman sa pagkontrol ng bayrus at pagbawi ng ekonomya ang bansang Malta na may 73.0 grado.

Batay sa datos ng gubyerno, 21.9 milyong Pilipino pa lamang ang nakakumpleto ng bakuna, habang 24.7 milyon ang may isang turok pa lamang.

Bago lumabas ang ulat ng Nikkei, pinakakulelat rin ang Pilipinas sa pagraranggong ginawa ng Bloomberg at Oxford Economics kaugnay ng pagtugon ng mga bansa sa pandemya.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/sa-ulat-ng-nikkei-asia-pilipinas-kulelat-na-naman/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.