Friday, September 3, 2021

CPP/NPA-Northern Samar: Ahente sa paniktik ng 87th IB, pinarusahan ng BHB-Northern Samar

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 2, 2021): Ahente sa paniktik ng 87th IB, pinarusahan ng BHB-Northern Samar

NPA-NORTHERN SAMAR (RODANTE URTAL COMMAND)
EASTERN VISAYAS REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (EFREN MARTIRES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY

SEPTEMBER 02, 2021



Pinarusahan ng Bagong Hukbong Bayan-Rodante Urtal Command ang kumpirmadong aset at impormer ng 87th Infantry Batallion na si Elok Padrikis (alyas Longhair, Yonilo, Arnel), 34, noong Agosto 26 sa Barangay San Isidro, Las Navas, Northern Samar.

Inaresto ng BHB-RUC si Padrikis noong Agosto 23 sa Kilometro 3 ng naturang barangay habang galing sa pag-uulat sa militar sa San Jose de Buan, Western Samar. Nakumpiska kay Padrikis ang isang kalibre .45 na pistola, cellphone, tatlong sim card, memory card, at mga gadget para sa paniniktik.

Inamin niya mismo na tinanim siyang aset ng militar mula pa noong Agosto 2018. Sa sweldong P3,000 kada buwan, iprinoyekto sa kaniya ng 87th IB na makapasok sa isang larangang gerilya bilang pultaym, makapatay ng isang upisyal ng BHB, makakuha ng armas, at makapagtanim ng gadget sa himpilan ng BHB para mareyd ito.

Bago pa man siya magtangkang maniktik sa mga kasama, kilala nang kriminal at mamamatay-tao si Padrikis sa kanilang lugar sa Sityo Arisona, Hinabangan, Western Samar. Pinatay niya sina Toto Tabuena at Lito Abog sa nasabing barangay. #

https://cpp.ph/statements/%ef%bb%bfahente-sa-paniktik-ng-87th-ib-pinarusahan-ng-bhb-northern-samar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.