Thursday, April 22, 2021

Kalinaw News: Nasawing NPA komander, binigyan ng desenteng libing ng kasundaluhan at lokal na pamahalaan

Posted to Kalinaw News (Apr 21, 2021): Nasawing NPA komander, binigyan ng desenteng libing ng kasundaluhan at lokal na pamahalaan

Camp Jorge Downes, Ormoc City – Maayos at marangal na libing ang ibigay sa dating komander ng rebeldeng NPA na si Eleazar Sabidalas alyas Sangay noong Abril 11, 2021, sa Public Cemetery ng Can-adieng, Ormoc City, Leyte. Bago ang libing, isang misa naman ang inalay sa kanya na dinaluhan ng kanyang pamilya, kamag-anak, mga dating kasama sa teroristang grupo, at mga sundalo.

Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Carigara at Ormoc City, ng kasundaluhan at ng mga pribadong indibidwal, naihatid na sa kanyang huling hantungan ang labi ng nasabing myembro ng CPP-NPA.

Ayon kay Brigadier General Zosimo Oliveros, Commander ng 802nd Infantry Brigade, “Ako ay taos pusong nakikiramay sa pamilya at mga kamag-anak ni Eleazar Sabidalas o Ka Sangay. Bilang isang Filipino, likas na kaugalian natin ang pagbibigay galang sa mga namayapa nating mahal sa buhay. Ito ay pagpapakita ng ating paggalang sa kanila at sa ating paniniwala sa Dyos na sa pamamagitan ng ating mga dasal ay makakamit nila ang buhay na walang hanggan.”

Ipinapaabot din ni Brig. Gen. Oliveros ang kanyang pasasalamat sa mga tao na may mabubuting kalooban na sumuporta para mabigyan ng disenteng libing ang labi ng nasawing NPA komander.





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/nasawing-npa-komander-binigyan-ng-desenteng-libing-ng-kasundaluhan-at-lokal-na-pamahalaan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.