Tuesday, February 9, 2021

Halfway home para sa mga rebel returnee sa Palawan, malapit nang matapos

From Palawan News (Feb 6, 2021): Halfway home para sa mga rebel returnee sa Palawan, malapit nang matapos  (By Orlan Jabagat)




Nasa 52 porsiyento na ang nagawa sa konstruksiyon ng halfway house na magiging pansamantalang tuluyan ng mga former rebels (FR) habang sumasailalim ang mga ito sa reintegration program. | Larawan mula kay PSWDO Abigail Ablaña

Malapit nang matapos ang konstruksiyon ng halfway home para sa mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Palawan na sa ngayon ay nasa 52 porsyento nang nagagawa.

Ayon sa hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na si Abigail Ablaña sa virtual meeting ng PPOC February 3 ang halfway house ay pinondohan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng halangang P5 milyon.

Ang kabahagi ng pamahalaang panlalawigan sa proyekto ay ang lupang pinagtayuan nito na matatagpuan sa Barangay Irawan sa Puerto Princesa, ganoon din ang iba pang kagamitan sa loob nito at ang magiging pamamahala dito.

Ayon kay Ablaña, magsisilbi itong pansamantalang tirahan ng mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan habang ang mga ito ay sumasailalim sa reintegration program.

Sinimulan ang pagpapatayo nito noong Nobyembre 2020 at inaasahang matatapos ngayong Marso.

Nasa 21 former rebels ang kayang ma-accommodate ng nasabing halfway house.

Magiging katuwang ng PSWDO sa pamamahala ng nasabing pasilidad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang Western Command (WESCOM) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Palawan Field Office. (PIA-MIMAROPA, Palawan)

https://palawan-news.com/halfway-home-para-sa-mga-rebel-returnee-sa-palawan-malapit-nang-matapos/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.