Sunday, January 3, 2021

NPA, pinasusuko ng militar

From the Mindanao Examiner (Jan 3, 2021): NPA, pinasusuko ng militar

NANAWAGAN ANG militar sa mga rebeldeng New People's Army na sumuko na mapayapa at magbagong buhay ngayon Bagong Taon.

Ito ay matapos ang 2 rebelde sa 7th Infantry Battalion sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat. Kinumpirma ito ni Lt. Col. Romel Valencia, ang battalion commander, dalawang armas rin ang isinuko mga rebelde.

Sinabi naman ni 6th Infantry Division at Joint Task Force-Central commander, Maj. Gen. Juvymax Uy na ang pagsuko ng 2 rebelde ay bunsod ng nagpapatuloy na military operation sa mga kuta ng NPA.

“Nananawagan ako sa natitira pang mga rebelde na magbalik loob na sa gobyerno, handa kaming tutulong sainyu upang makabalik kayo ng maayos sa inyong pamilya at makapagbagong buhay,” ani Uy. (Rhoderick BeƱez)

http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/2021/01/npa-pinasusuko-ng-militar.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.