Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 10, 2021): Tunay na Teroristang 24th IB at 72nd DRC PA, pinarusahan ng yunit ng NPA-Abra!
FLORENCIO BALUGASPOKESPERSON
NPA-ABRA (AGUSTIN BEGNALEN COMMAND)
ILOCOS-CORDILLERA REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (CHADLI MOLINTAS COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
JANUARY 10, 2021
Matagumpay na inilunsad ng yunit ng Agustin Begnalen Command, NPA-Abra ang taktikal na opensiba laban sa mga nag-ooperasyong mersenaryong sundalo ng 24th IB at 2 platun ng 72nd DRC Phil. Army na pumasok sa mismong erya ng labanan, sa kagubatan ng Bgy. Pacgued, Malibcong Abra, noong ika-4 ng Enero 2021.
Buong sikhay at tapang na hinarap ng mga pulang madirigma ang combat operation ng kaaway magmula ng ika-22 ng Disyembre 2020. Ginamit ang bilis, pagsisikreto at sorpresang atake upang madikitan ang pagod-pagod na yunit ng kaaway. Noong Enero 4 bandang alas-8:40 ng umaga ng pinutukan ng mga pulang mandirigma ang platun ng DRC. Mahusay na nakapagmaniobra ang mga kasama nang walang anumang kaswalti. Sa labanang ito nagtamo ng 9 na KIA at iba pang sugatan ang kaaway kabilang na ang platun lider ng 72nd DRC na si 2nd Lt. Zaldy D. Lapis Jr. Ikinubli nila ang tunay na datos ng kanilang kaswalti at tanging ang opisyal lamang na nabanggit ang kanilang inanunsiyo sa mass media. Bandang 2:30 ng hapon, dumating ang helikopter kaaway upang mag istraping sa tantya nilang kinaroonan ng NPA,ngunit ito’y muling inisnayp ng yunit ng NPA.
Ang taktikal na opensibang ito ay bilang tugon sa matagal ng kahilingan ng mamamayan sa Abra. Ito ay pagpaparusa sa mga tunay na teroristang AFP na matagal nang naghahasik ng mararahas na operasyon na sumasagasa sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan sa Abra at nagpapakana ng iba’t ibang maruruming saywar propaganda laban sa mga lehitimong lider at organisasyon ng masa. Nilalapastangan ng rehimeng Duterte ang mga panuntunan sa pagrespeto sa karapatan ng mga sibilyan sa pamamagitan ng anti-mamamayang OPLAN KAPANATAGAN NTF-ELCAC. Ito ang nagiging dahilan sa mga hakbangin ng AFP-PNP kasabwat ang DILG sa pagwawasiwas ng anti-komunista, anti-nasyunal at anti-mamamayang patakaran.
Sa layuning papasukin ang mga malalaking kumpanya ng pagmimina sa Abra ipinakat at pinaigting ng rehimen US-Duterte sa mga estratehikong lupain ang mga combat operations upang magsilbing gwardya at panunupil sa mga paglaban ng mamamayang Abrenio na tumututol sa Large Scale Mining at iba pang programa tulad ng malalaking dam sa Binongan River, Tineg River hanggang sa Abra River na lubhang mapanira at mapanggamgam sa kanilang lupaing ninuno. Sa pag-aakalang madudurog nila ang rebolusyong kilusan sa Abra, tuloy tuloy na Focus Military Operations ang kanilang isinasagawa upang sindakin ang masa at pawiin ang pakikilahok ng mamamayan sa digmang bayan.
Hindi mapapatawad ng mamamayan ang paulit-ulit na paglabag ng rehimen at ng tropa nito sa karapatang pantao. Matapos ang labanan ay tuloy-tuloy ang mga aerial bombings at airlift ng mga pwersa ng kaaway. Mula Enero 5 hanggang 7, tuloy-tuloy nilang binomba ang mga lugar ng pinagpoproduksyonan ng masa sa bandang Mapitli, Patay, Gaang at Bolawat (boundary ng Lacub at Malibcong). Umabot sa 23 bomba ang ibinagsak ng Super Tucano Bomber Plane na sumira sa nabanggit na mga lugar. Ang nais nilang kamtin na terror-effect sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan ay lalo lamang nagpapasidhi sa galit ng taong bayan. Ang bilyong pisong inilaan nila para sa kagamitan at operasyong militar ay lantarang pagwawaldas ng pondo ng bayan na na kinakailangan para sa pagharap sa pandemya ng COVID 19. Habang nagdarahop at gutom ang taong bayan, naaatim ng rehimen na ipatupad ang mga naghihingalong pamamaraan upang sindakin ang mamamayan.
Ang ABC-NPA Abra kasama ng lahat ng rebolusyonaryong organisasyon ay mahigpit na nagkakaisa at nakahandang ipagtanggol ang mga tagumpay sa nakaraang mga dekada ng pakikipaglaban para sa buhay, lupain at karapatan ng Abrenio. Naninindigan ang lahat ng rebolusyonaryong armadong yunit ng NPA sa tungkulin nitong palawakin at paigtingin pa ang armadong pagtatanggol ng karapatan at pagtataguyod ng makatarungang adhikain ng mga manggagawa, magsasaka, pambansang minorya at iba pang demokratikong uri sa buong probinsya para sa tunay na kalayaan at demokrasya.
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang mamamayan ng Abra!
Magpursigi at labanan ang terorismo ng rehimeng US-Duterte!
Paigtingin ang mga Taktikal na Opensiba upang tuluyang Durugin ang Kaaway!
Sumampa sa NPA!
https://cpp.ph/statements/tunay-na-teroristang-24th-ib-at-72nd-drc-pa-pinarusahan-ng-yunit-ng-npa-abra/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.