Saturday, January 23, 2021

CPP/NDF-KM-Bicol: Tindig ng KM-Bikol at KAGUMA-Bikol sa pagkakansela ng UP-DND Accord

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jan 23, 2021): Tindig ng KM-Bikol at KAGUMA-Bikol sa pagkakansela ng UP-DND Accord

KATIPUNAN NG MGA GURONG MAKABAYAN-BICOL
KABATAANG MAKABAYAN-BICOL
NDF-BICOL

JANUARY 23, 2021



Hindi mapipigilan ng uhaw-na-dugong sandatahan ng rehimeng US-Duterte ang paglalim ng kamulatan ng mamamayan hinggil sa kronikong krisis sa lipunan. Sa bawat kanto, tahanan, komunidad at iba pang lugar matatagpuan ang mga obhetibong kondisyong nagtutulak at higit na nagbibigay ng katwiran para lumaban at mag-armas.

Sa pagkakansela ng Sotto-Enrile Accord, pinatunayan lamang ni Duterte at ng kanilang mga alipures na linalamon sila ng takot sa harap ng mga mag-aaral at gurong nagtataguyod at nagpapalaganap ng kritikal na pagsusuri. Ito ang tiyak na magiging mitsa ng kanilang rehimen at hudyat ng tagumpay ng matapang na pagharap ng mamamayang Pilipino para sa katarungan at kalayaan.

https://cpp.ph/statements/tindig-ng-km-bikol-at-kaguma-bikol-sa-pagkakansela-ng-up-dnd-accord/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.