Thursday, December 31, 2020

Mga dating rebelde nanawagan sa Sierra Madre

From the Philippine Information Agency (Dec 31, 2020): Mga dating rebelde nanawagan sa Sierra Madre (By Angely L. Mercado) 


Nanawagan ang mga dating rebelde sa bundok ng Sierra Madre para sumuko na ang mga dating kasamahan na katutubong Agta. (Photo by Salaknib Battalion)

SAN MARIANO, Isabela (PIA) -- Ang Salaknib Battalion, katuwang ang TOG2 ng Philippine Air Force at mga dating rebelde, ay nasagawa ng panawagan sa bundok ng Sierra Madre para sumuko na ang mga dating kasamahan na katutubong Agta.

Gamit ang malakas na megaphone na may 800 meters na range habang nakasakay sa mga Helicopter, ang mga dating rebelde na sina @Bombo-Agta, @Allan-Agta at @Janmar ay nagsalita upang patunayan na sila ay nasa maayos na kalagayan kasama ang kanilang pamilya.

Sila din ay nanawagan na itigil na ng kanilang dating kasamahan ang madugong rebolusyon na nagbibigay ng pagdurusa sa sambayanan lalo na sa mga katutubong Agta.

Naglaglag din ang kasundaluhan ng mga polyetos upang mabati ng maligayang Pasko ang mga naiwang rebelde sa kabundukan at iparating sa kanila ang nagaantay na magandang kinabukasan para sa kanila at para sa kanilang pamilya. (ALM/Salaknib Battalion/Press Release)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.