From the Philippine Information Agency (Nov 20, 2020): Tagalog News: CORDS Mimaropa, tinanggap ang 22 dating rebelde mula MTF-ELCAC (By Dennis Nebrejo)
Nagbigay ng mensahe si MTF-ELCAC Chairman at Bongabong Mayor Elegio Malalauan sa 22 dating rebelde na sumuko sa isinagawang 'Ceremonial Handover' sa CORDS Mimaropa. Naging saksi sina (mula dulong kanan pa kaliwa) DOE Sec. Alfonso Cusi, Cong. Alfonso Umali, Jr., Police Reg'l Dir. PBGen Pascual Muñoz at kinatawan mula sa kasundaluhan. (kuha ng Bongabong LGU)
BONGABONG, Oriental Mindoro, Nob. 19 (PIA) – Malugod na tinanggap ng grupong Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) Mimaropa ang 22 dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan sa isinagawang ‘Ceremonial Handover’ ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) noong Nobyembre 16 sa bayang ito.
Pinangunahan ni Mayor Dr. Elegio Malaluan, kasama si Vice Mayor Richard Candelario at Sangguniang Bayan ang nasabing handover sa CORDS dahil dito na anya sila maalagaan upang makapamuhay ng maayos at makapagbagong-buhay.
Ayon kay Malaluan, “bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan dahil nakikita nila ang malaking suporta ng pamahalaang lokal sa mga katulad nila na nalinlang ng maling idelohiya at umaasa na mamumuhay sila ng katulad ng dati na malaya ayon sa magandang programa na nakasaad sa Executive Order No. 70 ni Pang. Rodrigo Roa Duterte.”
Bukod sa alkalde, sinaksihan at nakibahagi din sa programa si Department of Energy Sec. Alfonso G. Cusi, na siyang sumusuporta sa programa ng EO 70, kinatawan sa konggreso mula sa ikalawang distrito na si Cong. Alfonso ‘PA’ Umali, Jr., PNP Mimaropa Regional Director, BGen Pascual G. Muñoz, Jr., Police Provincial Director, Col. Mardito G. Anguluan at kinatawan mula sa Phil. Army. (DPCN/PIA-OrMin)

https://pia.gov.ph/news/articles/1059289
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.