Posted to Kalinaw News (Oct 1, 2020): DSWD Program inilunsad, ground breaking isinabay
Malita, Davao Occidental – Kasama ang 73rd Infantry Battalion, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang programa na Seed Capital Fund (SCF) sa Brgy Tibuloy Sustainable Livelihood Program (SLP) Association kasabay ng seremonya ng ground breaking ng Banana Production Project sa Purok 6, Brgy Tibuloy, Toril, Davao City kahapon, Setyembre 30, 2020.
Ang Brgy Tibuloy SLP Association ay nabenipisyohan ng PhP 300,000.00 na ibinigay ng DSWD bilang parte ng kanilang programang Seed Capital Fund na magsisilbing puhunan ng asosasyon.
Kasabay ng aktibidades ay nagkaroon din ng simpleng seremonya ng ground breaking ng Banana Production Project kung saan nagbigay ng punlang saging ang Department of Agriculture sa nasabing asosasyon.
Ibinahagi naman ni Hon. Remperas, Punong Barangay, ang kanyang pasasalamat sa mga ahensya sa paghatid ng serbisyo ng gobyerno.
Bilang tugon, “Sisigaruduhin namin na ang kasundaluhan ay tutulong sa mga ahensya ng gobyerno upang maihatid ang mga serbisyong katulad nito,” pahayag ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Kumander ng 73IB.
Puspusan ang operasyon sa Toril District upang wakasan ang kasamaan at paglinlang na sinasagawa ng mga teroristang NPA.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/dswd-program-inilunsad-ground-breaking-isinabay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.