Tuesday, September 1, 2020

Kalinaw News: Miyembro ng NPA at Yumil sumuko sa lalawigan ng Davao Occidental

From Kalinaw News (Sep 1, 2020): Miyembro ng NPA at Yumil sumuko sa lalawigan ng Davao Occidental
Jose Abad Santos, Davao Occidental – Dalawang miyembro ng New Peoples Army at dalawang Yunit Milisya o Yumil ang sumuko sa 73rd Infantry Battalion at Jose Abad Santos Municipal Police Station nitong Araw ng mga Bayani, Agosto 31, 2020.

Sumuko ang 4 na ito dahil sa puspusang operasyon ng kasundaluhan sa base ng mga rebelde. Unang lumapit ang mga ito kay John Jalani Joyce, Punong Barangay ng Brgy. Culaman, JAS, Davao Occidental na agad namang dumulog sa kasundaluhan at kapulisan.
Sa isinagawang interbyu, napagalaman na ang 4 ay pawang residente ng Jose Abad Santos at mga miyembro ng Weakened Guerilla Front TALA ng Far South Mindanao Region ng NPA. Sila ay nagdala ng 2 Colt M16 at 2 homemade shot gun sa kanilang pagsuko.

Ayon kay alyas Jon-Jon, hindi tunay na pangalan, nanganganib na ang kanilang buhay sapagkat kaunti na lamang ang kanilang naiwan na kasamahan. Halos lahat ay sumuko na at may maayos na pamumuhay.

Sila naman ay buong pusong tinanggap ng kasundaluhan sa pamumuno ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, pinuno ng 73IB. “Naging epektibo ang pag-tatag namin ng Peoples Organization. Ito ang naging hudyat ng sunud-sunod na pagsuko ng mga rebelde.” wika niya.

Naitala na mayroon nang 75 na rebeldeng sumuko sa 73rd Infantry Battalion mula Enero 2020.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/miyembro-ng-npa-at-yumil-sumuko-sa-lalawigan-ng-davao-occidental/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.