Tuesday, September 1, 2020

Bagong rekrut na NPA boluntaryong sumuko

From the Philippine Information Agency (Aug 31, 2020): Bagong rekrut na NPA boluntaryong sumuko (By Oliver T. Baccay)

Featured Image

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Aug. 28 (PIA) - - Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa mga otoridad kasunod ng pagkakasamsam sa ilang mga kagamitan ng mga rebelde sa probinsiya ng Isabela.

Ayon kay 5th Infantry Division Commander Major General Laurence E Mina ito ay dahil sa pinaigting na pagpapatupad ng EO #70 o ang Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng pinagsanib na pwersa ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion, Philippine Army at ng Isabela Police Provincial Office.

Ang sumukong si "Ka Lito" at ang mga nsamsam na kagamitan ng mga rebelde. (by 5ID)

Ang sumukong rebelde ay nakilalang si “Ka Lito”, dating miyembro ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG, KR-CV).

Ayon sa kanya, siya umano ay nirekrut ng mga rebeldeng may alyas na “Ka Rod” at “Ka Shuli” noong Marso taong kasalukuyan.

Ibinunyag din nito kung saan nakatago ang mga kagamitang naiwan ng kanyang mga kasamahan na NPA sa Brgy. Rang Ayan, Ilagan City, Isabela pagkatapos ng engkwentro sa pagitan ng 95IB at ng NPA noong February 16, 2020.

Ayon pa sa kanya, hindi siya natakot at nag-alinlangang magbalik-loob sa pamahalaan dahil nakita niya ang pagkakaiba ng sitwasyon ng nawala ang presensya ng mga teroristang NPA.

Nakita rin niya ang suporta ng ating pamahalaan, mga kasundaluhan at kapulisan na matulungan ang mga katulad niyang nalinlang ng teroristang NPA.

"Ang pagsuko ay kasunod ng pagkakarekober sa mga kagamitan ng mga NPA na kinabibilangan ng dalawang Commercial Handheld Radios, isang rolyo ng water hose, isang rolyo ng kable ng kuryente, 13 laminated sacks, mga kagamitang panluto, mga lagayan ng tubig at dalawang civilian NPA back packs na pagmamaya-ari ng mga naunang natulungan na nagbalik loob na sina “Ka Leslie” at “Ka Jimboy” na narescue ng tropa ng 95IB noong ika-16 ng Pebrero 2020," pahayag ni Mina.

Pinapurihan din ni Mina si “Ka Lito” sa kanyang desisyong magbalik-loob sa pamahalaan at hinikayat ang mga natitira pang mga NPA sa Cagayan Valley at Cordillera na sumuko narin.

Binigyang diin ni BGen Mina na ang tunay na kapayapaan at pag-unlad ay matatamasa sa pagtutulungan ng lahat, lalong-lalo na sa pakikiisa ng mamamayan. (OTB/PIA-Cagayan with reports from Maj. Noriel Tayaban)

https://pia.gov.ph/news/articles/1051864

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.