Sunday, September 20, 2020

Kalinaw News: Kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion, aksidenteng nakatuklas ng mga gamit ng NPA

Posted to Kalinaw News (Sep 20, 2020): Kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion, aksidenteng nakatuklas ng mga gamit ng NPA

Malapatan, Sarangani Province – Aksidenteng natuklasan ng isang skwad na pinamumunuan ni 2LT James Mark B Diwag (INF) PA ang mga gamit ng New Peoples Army (NPA) sa Sitio Kadlom, Brgy Upper Suyan ng nasabing munisipyo nitong Setyembre 18, 2020.

Dahil sa tinatawag na “Focused Military Operation” ng 73rd Infantry Battalion sa kabundukan, ang mga kasundaluhan ay puspusang hinahanap ang natitira pang anim (6) na mga NPA.

Sa paghahanap nila ay nakatuklas sila ng 1 Garan na may 5 bala ng 30 caliber, 4 na piraso ng dextrose liquid, at mga dokumento ng rebelde. Ang mga dokumento ay nakalagay sa isang bag na itinago sa ilalim ng puno.

Sa mensahe na ipinarating ni Lt. Col. Ronaldo G. Valdez, Kumander ng 73IB, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng sundalo sa bundok. “Kahit na kaunti na lamang ang mga rebelde na nag-iikot sa kabundukan, ang mga kasundaluhan ay laging nakabantay. Ito ay upang maiwasan ang rekrutment na maaaring maganap,” kanyang dagdag.

Kasabay ng pagdeploy ng kasundaluhan ay mayroon ding tinatawag na Community Development Team upang suportahan ang rekrutment na magaganap. Sila ang tumatagal sa komunidad upang tulungan ang mga tao na magkaroon ng pangkabuhayan sa pamamagitan ng Peoples Organization.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/kasundaluhan-ng-73rd-infantry-battalion-aksidenteng-nakatuklas-ng-mga-gamit-ng-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.