Wednesday, September 30, 2020

Kalinaw News: 6 na miyembro ng Milisyang Bayan ng NPA sumuko, 18 samu't-saring baril isinama

Posted to Kalinaw News (Sep 30, 2020): 6 na miyembro ng Milisyang Bayan ng NPA sumuko, 18 samu't-saring baril isinama

KIBAWE, BUKIDNON – lumutang ang anim (6) na miyembro ng Milisyang Bayan ng New People’s Army (NPA) at sumuko sa community support program (CSP) Team ng 16th Infantry (Maglilingkod) Battalion sa Brgy Sanipon, Kibawe Bukidnon kahapon, ika-29 Setyembre 2020.



Base sa ulat, dalawang nagngangalang alyas “Bayog” at alyas “jm”, kapwa residente ng nasabing barangay at mga miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) na dumalo sa Grand Pulong-pulong noong ika-25 Setyembre, ang kusang sumuko sa CSP Team. Kasamang isunuko ng mga nasabing miyembro ang dalawang (2) cal. 38 na may dalawang (2) bala at apat (4) na improvised shotgun gauge 12. Sa patuloy na pagsisiyasat sa mga sumurender, inamin ng mga ito na sila ay mga dating miyembro ng milisyang bayan sa ilalim nga Guerilla Front 53 ng npa.

Sa magkaparehong araw, isang nagngangalang alyas “bobong” ang boluntaryong lumapit at sumuko sa CSP Team ng 16IB sa parehas na lugar. Kasama sa kanyang pagsuko ang isang (1) rifle cal. 30 garand na mayroong apat (4) na bala at isang (1) improvised na cal. 3516 at ayon sa kanya ay mayroon pang apat (4) na nais sumuko.



Dahil sa mga rebelasyong isiniwalat, agad nagtungo ang kasundaluhan ng 16IB at ang isang team (1) ng Mobile Force Company ng PNP upang magsagawa ng pakikipag-usap sa mga personalidad na binanggit ni alyas “bobong”. Kusang sumuko sila alyas “elmer”, alyas “rem-rem” at alyas “kevin”. Isinama nila sa kanilang pagsuko ang limang (5) improvised shotgun gauge 12, isang (1) cal. 38, tatlong (3) improvised shotgun gauge 20 at isang (1) improvised single shot pistol na may isang (1) bala.

Ang mga nasabing sumuko ay tutulungan ng gobyerno upang mabigyan ng mga benepisyo sa ilalim ng enhanced comprehensive local integration program o e-clip na naglalayong bigyan ng matiwasay na pamumuhay ang mga nagbabalik-loob na mga rebelde.

Ang mga serye ng pagsukong ito ay nagpapakita na naging matagumpay ang mga isinasagawang Commmunity Support Program (CSP) ng ating mga kasundaluhan sa tulong ng Lokal na Pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno na naglalayon na maitaguyod ang kapayapaan at kaayusan. Ito rin ay indikasyon na namulat na ang ating mga kababayan na naligaw ng landas sa walang kabuluhang idelohiya at adhikain ng teroristang npa. Ang pangyayaring ito nawa’y maging daan sa iba pang mga miyembro ng NPA na sumuko na at magbalik-loob na sa ating gobyerno.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/6-na-miyembro-ng-milisyang-bayan-ng-npa-sumuko-18-samut-saring-baril-isinama/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.