Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 30, 2020): Tuloy-tuloy na pasismo sa panahon ng COVID-19
TIPON GIL-AYABSPOKESPERSON
Ayaw magpaawat at tila ba mangmang sa sarili mismo nilang health protocol ang 50IB-503rd IBgde Philippine Army at Philippine National Police sa tuloy-tuloy nilang pag-ooperasyon sa probinsya sa kabila ng paglala ng krisis na kinahaharap ng mamamayan dahil sa pandemyang COVID-19.
Nito lamang buwan ng Setyembre ay nagkaroon ng mga operasyong combat sa mga munispyo ng Balbalan, Pinukpuk, Lubuagan, Pasil at Tabuk. Sinabayan nito ang mga matatagal ng operasyong RCSPT sa mga baryo ng mga naturang munsipyo. Sa tatlong baryo sa munisipyo ng Pinukpuk mula Setyembre 22-24, sa halip na ayuda at libreng mass testing ang gawin, ay nagpasimuno pa ng mga martsa-rally ang mga sundalo, pulis at mga opisyal ng barangay laban di umano sa CPP-NPA-NDF. Isang malaking paglabag sa isang metrong distansya at pag-iwas sa mass gathering na health protocol mismo na ibinaba ng Department of Health at Inter-Agency Task Force.
Nasaan din ang sinasabi ng rehimeng Duterte na pagsunod sa social distancing sa mga operasyong RCSPT kung saan ilang mga platun ng sundalo at pulis ang nag-ookupa sa iilang mga kabahayan ng mga sibilyan? Nilabag na nga ang Geneva Protocol hinggil sa pagbabawal na magkampo sa mga kabahayan at pampublikong lugar ay nilapastangan din ang karapatan ng masa na masiguradong ligtas sila sa COVID-19 at nasusunod ang health protocol.
Pero ano nga ba ang layunin ng mga operasyong militar na ito? Napakalayo sa layuning sugpuin ang pandemyang COVID-19. Ang tunay na layunin ng walang tigil na operasyong militar ay ang paghahabol ng rehimeng Duterte na kamtin ang pangarap nitong wasakin ang rebolusyonaryong kilusan sa taong 2022. Kaya sa mga panahon nangangailangan ang masa ng serbisyong medikal, militar na solusyon ang paulit-ulit na sagot ng rehimeng Duterte sa panawagan ng mamamayan.
Sa kabila ng pakiusap ng masa na itigil ang mga operasyong militar dahil sa pangamba ng lalong pagkalat ng COVID-19 sa probinsya ay pwersahang pumasok sa mga baryo ang mga sundalo at pulis upang magpakalat ng saywar, red tagging sa mga lehitimong organisasyon ng masa at magdudulo sa pwersahang pagpapasuko sa mga sibilyan bilang mga kasapi ng NPA.
Tuloy-tuloy ang pagpapasikat ng AFP-PNP sa napakarami di umanong sumukong NPA at milisyang bayan sa probinsya. Sa aktwal, wala pa sa 1% na mga sumuko ang tunay na Hukbo bagkus ang mga ito ay mga sibilyan na nalinlang sa alok na kakarampot na pera, groceries at livelihood na ipinatutupad ng TF-ELCAC sa pamamagitan ng mga ahensya ng pamahalaan gaya ng DTI at DSWD. Ang karaniwang sistema ay magpapatawag ng mga pulong, mamimigay ng mga groceries at pera, magpapapirma, may magaganap na picture taking at matapos ang ilang araw instant fake surrenderees ang labas. Instant korapsyon din ito sa pondo ng E-CLIP dahil sa aktwal ay kakarampot lang ang napupunta sa mga napilitan na sumukong mga sibilyang at kalakhan ng “benepisyong” makukuha dapat nila ay sa mga opisyal ng sundalo at pulis napupunta. May mga pagkakataon ding tinatakot ang masa na matatanggal bilang benepisyaryo ng 4Ps kung di sila pupunta, pipirma at makikibahagi sa mga surrender campaign activities ng gobyerno.
Nagtukoy rin ang TF-ELCAC ng 16 na barangay sa buong probinsya bilang mga “influenced” ng CPP-NPA-NDF. Instant red-tagging na ay instant korapsyon pa. Batay sa programa ng TF-ELCAC, bubuhusan ng sandamakmak na proyekto ang mga naturang barangay para di umano maresolba ang dahilan ng armadong paglaban ng mamamayan. Ang mga naturang proyekto sa aktwal ay batbat ng korapsyon at di naman talaga makakatugon sa pang-ekonomiyang pangangailangan ng mamamayan. Marami sa mga proyekto ay pangmadalian, madaling nasira at naghatid lang ng gulo sa komunidad dahil di na nga sapat ay iilan lang din ang nabigyan at aktwal na nakinabang. 10.5% lang ito ng mga barangay sa Kalinga.
Lahat ng perwisyong ito ay para likhain ang ilusyong nagtatagumpay ito na wasakin ang rebolusyonaryong kilusan. Na sa aktwal ay perwisyo, distorbo at takot ang epekto sa mga mamamayan. Walang matinong naging tugon ang rehimeng Duterte sa mga demokratikong kahilingan ng mamamayan. Sa halip pasismo at terorismo ang hatid nito kahit pa kinahaharap ngayon ng buong mundo ang krisis ng COVID-19.
Kahanay ng AFP-PNP ang mga despotikong pulitiko na ginagamit ang impluwensiya at kapangyarihan para labagin at takasan ang mga health protocol. Isa sa mga naunang kaso ng COVID-19 sa probinsya ay pulis na hindi sumunod sa quarantine at swab testing protocol. Dumarami sa hanay ng sundalo at pulis sa Kalinga ang nagkaroon ng COVID-19 pero sa kabila nito ay nagpapatuloy pa rin ang mga operasyong militar.
Sa makatuwid, isa sila sa mga posibleng nagpapakalat ng COVID-19 sa probinsya kaya marapat at makatuwiran ang panawagan ng mamamayan na itigil ang pag-ooperasyon ng AFP-PNP sa ngalan ng pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19. Makatuwiran na ipanawagan ng mamamayan na pagsasagawa ang libreng mass testing, pamimigay ng libreng mga PPE at ayuda para sa mahihirap na sektor na pinakapaektado ng malawakang disempleyo dulot ng lockdown. Makatuwiran na labanan ang kawalang malasakit, kapabayaan, pasismo at terorismo ng rehimeng Duterte!
Ang militaristang hakbangin na ito ng rehimeng Duterte ay lalong magpapainit sa damdamin ng masa na iangat ang porma ng kanilang pakikibaka tungo sa armadong paglaban. Ang pasismo ng rehimen ay lalong nagtutulak sa masa para tumindig at lumaban kaya sa halip na humina at mawasak, patuloy na naglalagablab ang apoy ng pakikibaka ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Lalong tumitingkad sa masa ang kawastuhan ng pagrerebolusyon, na tanging sa pamamagitan ng landas ng paglaban makakamit ng mamamayan ang kanilang mga demokratikong karapatan at kahilingan.
Layas militar!
Serbisyong Medikal, Hindi Militar!
https://cpp.ph/statements/tuloy-tuloy-na-pasismo-sa-panahon-ng-covid-19/
NPA-KALINGA
ILOCOS-CORDILLERA REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
CHADLI MOLINTAS COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
SEPTEMBER 30, 2020

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.