Itinaas ang bandila ng Pilipinas kamakailan sa Fuga Island na pinangunahan ni Col. Simplitius Adecer PN (M), ang deputy commander for Marine Operations ng NFNL, at commander ng Naval Task Force 12 (NTF 12). (Litrato ng Nolcom)
APARRI, Cagayan, Aug. 12 (PIA) - - -Nagtayo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng marine detachment nitong ika-7 ng Agosto sa Fuga Island, ang pangalawang pinaka-hilagang isla ng Pilipinas na bahagi ng Babuyan Archipelago.
Ayon kay Northern Luzon Command (NOLCOM) Spokesperson Maj. Ericson Bulosan, ang nasabing detachment ay kabibilangan ng sheltered pier, naval station, at 20 ektaryang littoral monitoring station para mabantayan ng husto ang hilagang teritoryo ng bansa.
Ayon pa kay Bulosan, nakumpleto na ng Nolcom sa pamamagitan ng Naval Forces Northern Luzon (NFNL) ang Marine detachment noong nakaraang linggo.
Sa parehas na okasyon ay itinaas din ang bandila ng Pilipinas na pinangunahan ni Col. Simplitius Adecer PN (M), ang deputy commander for Marine Operations ng NFNL, at commander ng Naval Task Force 12 (NTF 12).
Ang Fuga Island ayon kay Bulosan ay may air strip at ang lokasyon nito ay malapit sa mga fiber-optic cables sa karagatan na ginagamit sa internet at komunikasyon na nag-uugnay sa Pilipinas sa Mainland Asia.
Dagdag ni Bulosan na patuloy din ang pagtatayo ng NOLCOM, NFNL, at Philippine Coast Guard ng mga Flag markers at light house sa mga isla sa Cagayan, Batanes, at Babuyan Group of Islands para masigurado na mabantayan ang maritime at sovereign territory ng bansa. (MDCT with reports from Leo Sarne /PIA-2)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.