SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
NEW PEOPLE'S ARMY
AUGUST 13, 2020
Nagngingitngit sa galit ang Melito Glor Command-NPA ST sa pataksil na pagpaslang ng 1st IBPA, 2nd ID at PNP-Laguna kay Mario “Ka Jethro” Caraig, 57, na nasa katayuang hors de combat noong madaling araw ng Agosto 8 sa Laguna. Isa na naman itong kaso ng ala-Tokhang na pamamaslang sa tulak ng marahas na kontra-rebolusyonaryong gera na dapat panagutan ng mga mamamatay-taong heneral ng AFP-PNP, mga berdugong pasimuno ng NTF-ELCAC at ng punong pasistang si Rodrigo Duterte.
Malinaw sa estilo ng pagpatay kay Ka Jethro at sa iba pang NPA na hors de combat na wala nang sinusunod na makataong batas o batas ng digmaan ang rehimeng US-Duterte alinsunod sa 1949 at 1977 Geneva Conventions. Malubhang nasugatan si Ka Jethro mula sa labanan noong Agosto 4 sa Brgy. San Antonio, Kalayaan, Laguna, kung saan namartir din sina Dioscorro ‘Ka Termo” Cello, Rey “Ka Danny” Macinas at Alex “Ka Omar” Perdeguera na mga kasama niya sa yunit.
Nagresulta ang tama ng bala ni Ka Jethro sa pagkatanggal ng laman sa kanyang kaliwang braso. Nanghihina pa siya at hindi pa nalalapatan ng lunas nang salakayin ng mga pulis at militar. Tulog siya nang barilin ng mga kaaway. Hindi na rin niya magagawang lumaban dahil naiwan niya ang kanyang baril sa pinangyarihan ng naunang labanan.
Sa ganoong kalagayan ni Ka Jethro, ang katanggap-tanggap na hakbangin ayon sa Protocol I at II ng Geneva Conventions ay lapatan siya ng lunas bilang bihag-ng-digma. Ang brutalidad ng rehimeng Duterte at ang kultura ng karahasan at kawalang pagpapahalaga sa buhay ng tao na pinaiiral sa loob ng AFP at PNP ang dahilan ng malaganap na summary executions, extra-judicial killings na ala-Tokhang laban sa mga tinatakang kaaway ng reaksyunaryong estado. Ang brutal na pagpaslang kay Ka Jethro at sa iba pang katulad nyang hors de combat ay salaminan ng patakaran ng rehimen at AFP-PNP ng hindi pagkuha ng bihag sa lahat ng NPA—laluna sa mga lider ng rebolusyonaryong kilusan.
Ang pamamaraan ng pagpatay ng AFP-PNP kay Ka Jethro at iba pang maituturing na hors de combat tulad nina Kasamang Lorelyn Saligumba (Hunyo 4, 2020) at Ermin Bellen (Disyembre 5, 2019) ay pruwebang sagad na sa buto ang indoktrinasyon ng karahasan at kawalan ng respeto sa buhay ng mga pasistang sundalo’t pulis. Mundo ang kaibahan nito sa bakal na disiplina at mataas na pagpapahalaga ng NPA sa karapatang tao na itinataguyod kahit sa gitna ng kabi-kabilang pagbali ng GRP sa mga kasunduang CARHRIHL at mga protocol ng Geneva Conventions.
Lalong nakakasuklam ang pagpaslang kay Ka Jethro dahil tiyak na naging motibo ng mga pulis at militar ang P4.3-milyong patong sa ulo ng kasama. Tunay na bayaran ang AFP-PNP at walang maipagmamalaking dangal. Ang salaping matatanggap ng mga berdugong heneral mula sa pag-utas sa buhay ni Ka Jethro ay may katumbas na utang na dugo sa mamamayan at rebolusyon.
Sa kabilang banda, hindi matutumbasan ng anumang halaga ang buhay na buung-buong inialay ni Ka Jethro para sa rebolusyon at sambayanang Pilipino. Tatlumpu’t anim na taon siyang nagsilbi sa rebolusyonaryong kilusan at kalakhan nito’y inilaan sa Batangas, ang probinsyang kanyang sinilangan. Mahal na mahal siya ng masang kanyang nakapiling at nakasalamuha dahil naramdaman nila ang kanyang tunay na pagmamalasakit sa kanilang interes.
Kalagitnaan ng dekada ’90 nagsimula ang pagkilos ni Ka Jethro sa loob ng NPA. Naging matatag siyang giya ng mga yunit ng NPA na kanyang kinapalooban laluna sa gitna ng malulupit na atake ng kaaway. Nagpatuloy siya sa armadong pakikibaka sa kabila ng mga pisikal na karamdaman at kahirapan bunga ng kanyang edad, dahilan upang maging inspirasyon siya ng mga nakababatang Pulang mandirigma. Hanggang sa kanyang huling sandali, mahigpit siyang tumupad sa tungkulin bilang kadre ng Partido, upisyal ng NPA at proletaryong rebolusyonaryo.
Hindi nagtatapos sa malagim na pagpaslang ng AFP-PNP kay Ka Jethro ang kanyang maningning na rebolusyonaryong adhikain. Itatanghal ng mga Pulang mandirigma ng MGC ang kanyang alaala at diwang Komunista at gagamitin itong gatong sa higit pang pagpapalaab ng armadong pakikibaka sa rehiyon.
Titiyakin ng MGC at ng buong rebolusyonaryong kilusan sa TK na mabigyan si Ka Jethro—at lahat ng biktima ng karahasan ng rehimeng US-Duterte—ng rebolusyonaryong hustisya at mapagbayad nang mahal ang pasistang rehimen para sa lahat ng krimen nito sa mamamayan.###

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.