CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Ang pinagsanib na pwersa ng 54th Infantry (Magilas) Battalion, Sagada MPS/PNP, Provincial Drug Enforcement Unit, PDEA CAR at ibat-ibang ahensya ng Gobyerno ay matagumpay na isinagawa ang Marijuana eradication sa Brgy. Fidelisan, Sagada, Mountain Province noong ika-24 ng Mayo 2020 na nagresulta sa pagkadiskubre at pagkawasak ng dalawang plantasyon ng Marijuana na may kabuuang sukat na 60 square meters na matatagpuan sa lupaing pangkomunidad.
Naisagawa ang operasyon dahil sa tulong at sumbong ng mga residente na may plantasyon ng Marijuana sa nasabing lugar kung saan agad namang binigyang aksyon ng mga awtoridad at nakapagbunot sila ng 230 punla ng “Fully Grown Marijuana” na nagkakahalaga ng Php 92,000.00.
Hindi man naabutan ng mga operatiba ang mga nagtanim nito ay nagpapasalamat pa rin ang mga mamamayan ng Brgy. Fidelisan, Sagada sa pagkakadiskubre ng mga taniman ng naturang ipinagbabawal na gamot.
Pinuri naman ni MGen Pablo M Lorenzo, Commander, 5th Infantry (STAR) Division ang matagumpay na pinagsanib-pwersa ng mga kasundaluhan at mga kapulisan sa tulong at pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno. “Tunay na malaki ang magagawa natin kung tayo ay patuloy na magkaisa para sa iisang hangarin. Sana, ito na ang maging hudyat upang masukol pa ang iba’t-ibang illegal na gawain kasama na ang pagsugpo sa mga terroristang NPA hindi lamang sa Sagada kundi sa buong Northern Luzon.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.