Wednesday, March 11, 2020

Tagalog News: 48IB, nagbigay pugay sa mga babaeng sundalo

From the Philippine Information Agency (Mar 11, 2020): Tagalog News: 48IB, nagbigay pugay sa mga babaeng sundalo (By Vinson F. Concepcion)

LUNGSOD NG MALOLOS, Marso 11 (PIA) -- Binigyan ng pagkakataon ng Army 48th Infantry Battalion o 48IB ang kanilang mga kababaihang sundalo na maranasan ang paghawak ng mas mataas na posisyon sa Sandatahang Lakas bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day,

Sa ginanap na selebrasyon, umakto bilang mga troop commanders, platoon sergeants at squad leaders ang mga female officers at non-commissioned officers upang ipakitang may pantay na karapatan ang mga kababaihan sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.


Pinangunahan ng mga kababaihang sundalo ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas bilang pakikiisa ng Army 48th Infantry Battalion sa selebrasyon ng International Women’s Day sa kanilang kampo sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan. (larawan mula sa 48IB)

Ayon kay 48IB Commanding Officer Lt. Col. Felix Emeterio Valdez, tinitiyak nila na may mahalagang papel na ginagampanan ang kanilang babaeng sundalo upang mas lalo itong matuto at mapataas ang kanilang kakayahan.

Ani Valdez, may karapatan anya ang mga itong maging lider at sana maging isa itong inspirasyon sa iba pang kababaihan nais maging sundalo. (CLJD/VFC-PIA 3)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.