KOMITENG REHIYON
TIMOG KATAGALUGAN
COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES
MARCH 20, 2020
Peke at boladas lamang ang deklarasyon ni Duterte ng unilateral ceasefire (UCF) na magkakabisa mula ngayon, Marso 19 at magtatapos sa Abril 15, 2020. Matapos pakitang-tao na maglabas ng SOMO ang AFP at SOPO ang PNP, nagpapatuloy pa rin ang mga inilulunsad na focused military operations (FMO) sa mga larangang gerilya ng NPA sa Palawan, South Quezon-Bondoc Peninsula, North Quezon, Laguna, Rizal at Mindoro. Ang mga FMO ng AFP at PNP sa nasabing mga larangang gerilya ay nagsimula pa noong Enero 2020 at nagpapatuloy pa hanggang sa kasalukuyan. Walang senyales ng paghupa ang mga operasyong kombat ng AFP at PNP kahit matapos maglabas ng SOMO at SOPO ang AFP at PNP.
Sa ganito, tama lamang ang naging pusisyon ng NDFP na hindi agarang tugunin ang unilateral ceasefire ng GRP. Mapanlinlang at tuso ang deklarasyon ni Duterte na UCF at doble ang talim ng SOMO at SOPO ng AFP at PNP. Hindi nakatoon ang UCF ni Duterte sa pagsawata sa epidemya ng Covid-19 kundi itinatago ni Duterte sa Covid-19 ang kontra-rebolusyonaryong iskema ng TF-ELCAC para pinsalain at durugin ang rebolusyonaryong armadong kilusan ng mamamayang Pilipino. Sa ganito, makatarungan ang pagtarget ng NPA sa mga tropang militar at pulis na patuloy na naglulunsad ng operasyong militar sa kanayunan sa tabing ng mga “humanitarian operation” para diumano sugpuin ang epidemya.
Alinsunod dito, inaatasan ng KRTK ang lahat ng mga teritoryal na kumand at yunit ng NPA sa ilalim ng Melito Glor Command na ilunsad ang mga makakayanang taktikal na opensiba upang pinsalain ang mga tropang militar at pulis na nag-ooperasyon at nandadahas sa masa. Ang mga opensibang ito ay nasa balangkas ng aktibong pagtatanggol ng hukbong bayan.
Tulad ng nauna naming pahayag, hindi kinakailangan ng pormal na deklarasyon ng ceasefire mula sa rebolusyonaryong kilusan para bawasan ang antas ng mga sagupaan sa pagitan ng NPA at AFP-PNP para maituon ng lahat ang pansin sa paglaban sa epidemya ng Covid-19. Kailangan lamang iutos ng AFP at PNP ang pag-atras ng kanilang mga pwersang naglulunsad ng operasyong militar sa mga larangang gerilya ng NPA. Mananatiling lehitimong target ng mga taktikal na opensiba ng hukbong bayan ang patuloy na presensya ng mga tropang militar at pulis sa mga larangang gerilya.
Sa kabilang banda, lalabanan ng rebolusyonaryong kilusan ang ipinatutupad na militaristang total lockdown ng rehimeng Duterte sa buong Luzon at ang posibleng paglawak nito sa buong bansa. Ang total lockdown ay malaking pahirap sa mamamayan at maliliit na negosyo, mapanupil sa masang nagtatrabaho at umaasa sa arawang-sahod, nagdidisloka sa kabuhayan ng mga maralita at nagpaparalisa sa ekonomya at produksyon ng lipunan. Hindi pagsugpo sa epidemya ng Covid-19 ang tunay na layunin nito. Sa halip, tinutungtungan ang isterya ng Covid-19 para ikundisyon ang isip ng mamamayan sa mapanupil at kamay-na-bakal na pamamalakad ng rehimeng Duterte. Dapat itong mariing tutulan at labanan ng mamamayan.###
https://cpp.ph/statement/peke-ang-unilateral-ceasefire-ng-rehimeng-duterte/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.