PAMBANSANG KATIPUNAN NG MAGBUBUKID
PKM-BICOLNATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MARCH 20, 2020
Pinakamataas na antas ng pagkundena ang pinapahayag ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid-Bikol (PKM-Bikol) sa panibagong serye ng pagpaslang at paglabag sa karapatang tao sa hanay ng magsasaka sa Masbate.
Nito lamang Marso 10 at 11, walang-awang pinaslang si Kiko Garamay at si Nongnong Hermena, habang dinakip sina Serapin Morada at Julian Ceniza, at nawawala hangang sa kasalukuyan si Amaro Bartolay.
Ang mga insidenteng ito ay iilan lamang sa mga serye ng sistematiko at walang habas na paglabag sa karapatang tao sa rehiyong Bikol simula pa noong ipatupad ang MO32 at EO70, mahigit isang taon nang makalipas.
Pinakamataas ang bilang ng ekstrahudisyal na pagpaslang sa hanay ng mga magsasaka sa mga probinsya ng Sorsogon, Masbate at Camarines Norte, kung saan ay matindi rin ang paglaban ng mga mamamayan laban sa mga dambuhalang dayuhan ang lokal na negosyo at proyekto sa rehiyon tulad ng Masbate International Tourism Enterprise and Special Economic Zone, Quezon-Bicol Expressway (QBX) at Philippine National Railroads (PNR)-South Road.
Gamit ang Retooled Community Support Program (RCSP) ng tiranikong rehimeng US-Duterte, iligal na naninirahan ang AFP at CAFGU sa mga baryo habang sapilitan nilang “pinapasuko” ang mga sibilyan tulad ng mga kaso sa ilang baryo sa probinsya ng Sorsogon, Masbate, Camarines Norte at Camarines Sur. Layunin nitong palabasing mayroong inaabot ang kanilang kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan habang bwelado silang nakakakurakot sa pondo ng ampao at inutil na E-CLIP. Maliban dito, apektado rin ang kabuhayan ng mga taumbaryo dahil sa abala at takot na dulot ng presensya ng AFP. Ang ilan sa kanila ay hindi makapunta sa kanilang sinasaka o sa koprasan dahil sa takot na pagkamalan silang mga miyembro ng Bagong Hugong Bayan (BHB).
Kitang-kita ang desperasyon ng rehimeng US-Duterte na supilin ang rebolusyonaryong kilusan sa Bikol. Habang di nila magapi-gapi ang tunay na hukbo ng mamamayan, ang BHB, at nadudurog ang demokratikong gubyernong bayan ay patuloy din nilang pinagbabalingan ng kanilang pikon at kaduwagan ang ordinaryong mamamayan.
Napatunayan ng kasaysayan na ang pasismo ng estado ay lalo lamang naggagatong sa mapanlabang diwa ng mamamayang upang tumindig at sumapi sa BHB. Nanawagan kami sa mga mamamayang Bikolano na magkaisa at tumindig laban sa sistematikong pag-aatake sa karapatang pantao ng pasistang rehimen.
https://cpp.ph/statement/kundenahin-ang-desperadong-atake-ng-91st-division-reconnaissance-company-regional-mobile-force-battalion-pnp-monreal-sa-mga-magsasaka-ng-masbate/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.