Thursday, March 26, 2020

CPP/NDF/PKM-Bicol: Masang anakpawis, pinakabulnerable sa COVID-19 — PKM-Bicol

NDF/PKM-Bicol propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 24, 2020): Masang anakpawis, pinakabulnerable sa COVID-19 — PKM-Bicol

PAMBANSANG KATIPUNAN NG MAGBUBUKID
PKM-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

MARCH 24, 2020



Naninindigan ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid-Bikol (PKM-Bikol) na dapat panagutin ang rehimeng US-Duterte sa kawalan ng akma at konkretong plano at aksyon upang harapin ang krisis dulot ng COVID-19. Ang krisis na nararanasan ng mamamayan ngayon ay pangkabuuhang resulta ng pagpapakatuta ni Duterte sa mga imperyalista at pagragasa ng mga neoliberal na patakaran. Ngayon, pinili ng rehimeng magpatupad ng mala-batas militar na lockdown sa tangkang pigilan ang malawakang pag-aalsa ng mamamayang galit at handang magpapanagot ng isang diktador.

Tulad ng inaasahan, ipinagpatuloy lamang ni Duterte ang mga neoliberal na patakarang ipinatupad ng mga nakaraang papet na rehimen. Walang naging hakbang ang reaksyunaryong gubyerno para palakasin ang agrikultura ng bansa. Pinili nitong sumandig sa turismo at imprastruktura upang di umano’y makahikayat ng dayuhang namumuhunan. Higit pa nitong pinahina ang agrikultura ng bansa sa pagpapatupad ng Rice Liberalization Law (RLL). Dapat na ring bantayan ng taumbayan ang posibilidad na rumagasa ang mga neoliberal na proyekto, gayong hindi na rekisito ang public bidding tuwing mayroong deklarasyon ng state of calamity.

Mahigpit na nananawagan ang PKM-Bikol sa lahat ng rebolusyonaryong organisasyong masa at komiteng rebolusyonaryo na palakasin ang diwa ng sama-samang pagkilos. Dapat magkaroon ng koordinasyon at pagpaplano kung paano matutulungan ng mga kooperatiba at grupong tulungan sa kanayunan ang mga rebolusyonaryong organisasyong masa sa kalunsuran. Palaganapin ang mga grupong tulungan sa mga baryo at idiin ang kahalagahan ng pagbubuo ng isang ekonomyang nakaasa-sa-sarili. Makipagtulungan sa mga inisyatibang maglunsand ng sanitation drive. Sa pangmatagalan, higit na palakasin ang pakikibakang anti-pyudal sa kanayunan upang ganap nang mawakasan ang iba’t ibang tipo ng pagsasamantala.

Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Mamamayang Bikolano, magtarabangan!

https://cpp.ph/statement/masang-anakpawis-pinakabulnerable-sa-covid-19-pkm-bicol/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.