LUNGSOD NG BUTUAN, Pebrero 4 (PIA) -- Bagamat malayo at hindi pa sementado ang daan patungo sa Barangay Mt. Carmel, Bayugan City, biniyahe ito ng mga kawani ng gobyerno para magsagawa ng Peace Caravan sa tulong ng Caraga Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), lokal na pamahalaan ng Bayugan, at ang Regional Development Council (RDC) at Regional Peace and Order Council (RPOC).
Aabot sa 1,500 indibidwal ang nakinabang sa libreng serbisyong hatid ng RTF-ELCAC sa Barangay Mt. Carmel at kalapit-barangay nito. Kabilang sa mga bumisita rito ay si Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang cabinet officer for Regional Development and Security (CORDS) sa rehiyon.
Isa si Diosdado Cabilogan, 55 taong gulang, sa mga natulungan ng libreng medical at dental check-up at mga gamot.
Lubos ang kaniyang pasasalamat sa patuloy na pagtulong ng gobyerno sa mga residenteng tulad niya na nakatira sa liblib na lugar.
“Buo ang suporta namin sa lokal na pamahalaan at lalong-lalu na sa administrasyong Duterte. Alam kong hindi nila kami pababayaan,” sabi ni Cabilogan.
Hindi rin pinalampas ang pagkakataong ito nina Imerald, Junde Faith at Charlie, mula sa Mt. Carmel National High School na makakuha ng libreng seedlings, haircut at beauty care services.
Gayun din ang apat na buwang buntis na si Dionisa Lariosa at Angeline Bada na isang Manobo, na dala-dala pa ang kaniyang mga anak.
“Malaking tulong na rin itong buntis kit na aking natanggap mula sa Peace Caravan na ito. Maliban pa riyan, nakakuha rin ako ng vitamin supplements na malaking tulong rin sa aking pagbubuntis,” sabi ni Lariosa.
“Nagpapasalamat kami sa malasakit ng mga ahensiya sa aming barangay at sana’y magpatuloy pa ang ganitong aktibidad lalo na sa malalayong barangay,” ani ni Bada.
Ayon kay punong barangay Merla Ajan, mas lumakas pa ang tiwala ng mga residente sa pamahalaan dahil sa pagsisikap nito na maipaabot sa kanila ang mga kinakailangang serbisyo at programa.
Hiniling din niya na magkaroon na ng farm-to-market road sa kanilang lugar.
Pagtitiyak naman ni Mayor Kirk Asis na hindi titigil ang gobyerno sa pagtugon sa kanilang pangangailangan at sa pagawa ng inisyatibong makatutulong sa pagsugpo ng insurgency.
Binigyang-diin din ni CabSec. Nograles na karapatan ng bawat mamamayan na makatanggap ng serbisyo mula sa pamahalaan. (JPG/PIA-Caraga)
https://pia.gov.ph/news/articles/1033980

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.