SAMUEL GUERRERO
NPA-SORSOGON
CELSO MINGUEZ COMMAND
FEBRUARY 25, 2020
MAINGAY ngayon ang mga tagapagsalita ng reaksyunaryong militar sa pagkundena sa pagkakapatay sa taksil sa rebolusyong si Antonio Benzon, Jr. alias Hazel. Laman ngayon ng mga interbyu sa radyo, dyaryo at internet sina Presidential Peace Adviser Gen. Carlito Galvez, Jr.; AFP SolCom Chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr.; at 31st IBPA Commanding Officer Lt. Col. Eric Culvera. Iisa ang sinasabi nila–bakit daw pinapatay ng NPA ang mga surenderi na ang nais lamang ay mamuhay na nang mapayapa. Pinagbabantaan pa nga ni Parlade ang ilang ligal na organisasyon sa Sorsogon na mananagot umano sa pagkamatay ni Hazel.
Taliwas sa sinasabi nila, ang programang E-CLIP ng rehimeng Duterte ay hinding-hindi maglalagay sa tahimik na buhay ng mga tinataguriang “rebel returnee”. Imposible itong mangyari dahil ang sinasabing “livelihood program” ng gubyerno para sa kanila, sa aktwal, ay pagbibigay ng kaunting pabuya kapalit ng aktibo at tuwirang paglahok sa counterinsurgency operations ng estado. Nalalagay ang surenderi sa kalagayang hindi na siya makatatanggi sa anumang ipagawa ng mga ahensyang panseguridad ng estado.
Sa halip na bigyan ng mapayapang kabuhayan kagaya ng ipinapangako sa kanila, ang mga surenderi ay ginagawang mga ghost employee ng mga lokal na yunit gubyerno o di kaya’y opereytor ng mga antisosyal na pagkakakitaan tulad ng pasabong at pasugal, samantalang ang aktwal na ipinapatrabaho sa kanila ay bilang mga intelligence asset o di kaya’y tagagawa ng mga dirty job gaya ng panghaharas, pananakit o pagpatay sa mga sibilyang aktibista at mga pinagbibintangang tagasuporta ng rebolusyonaryong kilusan. Ang ganitong sistema ng programang pagpapasuko ng gubyerno ay natural na maglalagay sa mga surenderi sa katayuan bilang mga lehitimong target sa pag-atake ng mga rebolusyonaryong pwersa. Dagdag pa, ang estado ay tuwirang nananawagan sa mga nais nilang pasukuin na isuko ang hawak nilang baril–sa esensya’y pagnanakaw sa arsenal ng NPA–na may katapat na penalidad alinsunod sa mga alituntunin ng rebolusyonaryong hukbo.
Ang sinapit ng surenderi na si Antonio Benzon, Jr. alias Hazel ay lohikal na katapusan ng pagkakapasok niya sa programang E-CLIP ng rehimeng Duterte. Ito ang katotohanang hinding-hindi aaminin ng reaksyunaryong task force na nagpapatakbo ng E-CLIP. Ito ang katotohanang dapat mapagtanto ng iba pang surenderi na nabuyo at napasubo sa panloloko ng estado. Sa anu’t anuman, pwede silang sumuko uli sa rebolusyonaryong kilusan at kung wala naman silang nagawang malubhang kasalanan ay magkakaroon sila ng pagkakataon para tunay na makapamuhay bilang sibilyan sa loob ng sonang gerilya, malayo sa saklot ng mga pasista.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.