Thursday, February 13, 2020

Brooke’s Point nagsagawa ng RCSP immersion program implementation

From Palawan News (Feb 13, 2020): Brooke’s Point nagsagawa ng RCSP immersion program implementation (By Marialen Galicia-Archie)

Pinangunahan ito ni Lt. Col. Prisco Tabo, commander ng Marine Battalion Landing Team 4, at mayor Mary Jean Feliciano, noong Lunes. Binubuo ang grupo ng mga sundalo kasama ang iba’t-ibang sektor ng lokal ng pamahalaan gaya ni Brooke’s Point Department of the Interior and Local Organization (DILG) officer Coralyn Atienza.


BROOKE’S POINT, Palawan — Sinimulan ngayong linggo ang send off dito ng lokal na pamahalaan ng bayan ng mga personnel sa 18 nitong barangay para magsagawa at mag-implementa ng Retooled Community Support Program (RCSP) immersion program.

Pinangunahan ito ni Lt. Col. Prisco Tabo, commander ng Marine Battalion Landing Team 4, at mayor Mary Jean Feliciano, noong Lunes. Binubuo ang grupo ng mga sundalo kasama ang iba’t-ibang sektor ng lokal ng pamahalaan gaya ni Brooke’s Point Department of the Interior and Local Organization (DILG) officer Coralyn Atienza.

Layunin ng RCSP na alamin ang bawat hinaing at problema ng mga mamamayan at matugunan ang mga ito sa pamamagitan ng nararapat na sektor ng pamahalaan upang mabigyan ng solusyon, matulungan, at maiwasan ang posibleng pag-anib nga mga ito sa New People’s Army (NPA).



“Nagsasagawa tayo nito every year para ma-identify ang mga problema ng bawat mamayan ayon sa programa ni President Rodrigo Duterte upang maiwaksi ang problema sa mga communist,” ayon kay Atienza.

Ibat-ibang sector representatives ang dumalo kabilang na ang grupo ng nga kabataan, kababaihan, señior citizen, kalalakihan, religious group, at iba pa ang nagkaroon ng balitaktakan sa mga negatibong usapin at posibleng solusyon sa mga nasusuring suliranin na ginabayan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development, Department of Agriculture, at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.

Ilan sa mga nailathalang pangunahing suliranin ay ang kahirapan sa buhay, murang presyo ng mga produkto ng mga magsasaka tulad ng kopra, palay at iba pa, mataas na presyo ng bilihin tulad ng bigas, maagang pagbuntis ng mga kabataan at marami pang iba.

“Yung bawat problema na maidentify natin dito at possible solution ay ipapaabot natin sa opisina ng Pangulo para magawan ng action ng pamahalaan” dagdag pa ni Atienza.

Samantala, matapos ang isinagawang pagpupulong ay masaya namang umuwi ang bawat indibiduwal bitbit ang tulong na bigas at ilang grocery mula sa lokal na pamahalaan.

1 comment:

  1. The Kalikasan People's Network for the Environment (KALIKASAN) is a Communist Party of the Philippines (CPP) front organization.

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.