LUNGSOD NG BUTUAN, Enero 21 (PIA) - Matapos mapabalitang pinatay ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army (CPP-NPA) si Datu Bontula Tinaghao Mansinugdan, isang Higaonon leader sa Barangay Kinamaybay, Esperanza, Agusan del Sur, kumalat din ang mensahe sa pamamagitan ng isang sulat ng teroristang grupo para sa mga Indigenous Peoples (IPs).
Dito ay nagbabala ang grupo na huwag harangin ang kanilang mga gawain, magsumbong sa otoridad at huwag sundan ang kanilang trail o mga dinadaanang lugar sa komunidad.
Hindi naman natinag ang IPs dito dahil alam nilang mas may karapatan sila sa kanilang lugar.
Ayon kay Datu Manligonan “Larry” Mansinugdan, punong barangay ng nasabing lugar, ang mga miyembro ng CPP-NPA ang dapat na mahiya at matakot dahil sila ang lumalabag sa batas, at siyang nagdudulot ng kapahamakan, karahasan at pang-aabuso sa mga IPs.
“Hindi naman ako takot dahil nasa panig ng gobyerno naman tayo. Ang mga makakaliwang grupo ang dapat na matakot dahil sila ang parating lumalabag sa batas at nagdudulot ng karahasan sa lipunan,” ani ni Datu Manligonan.
Binigyang-diin din ni Datu Manligonan na sinamantala ng NPA ang ceasefire o tigil-putukan sa bansa. Opurtunidad nila ito na mas makalakbay sa mga komunidad at maghasik ng lagim.
Subalit, dahil din sa pinapatupad ngayon na Executive Order 70 ng administrasyong Duterte, napipigilan ang teroristang grupo sa kanilang operasyon.
Nanawagan din siya sa mga NPA na sundin nang maayos ang mga kasunduan tulad ng ceasefire, dahil ang mga NPA din naman ang unang humiling nito sa gobyerno. (JPG/PIA-Caraga)
https://pia.gov.ph/news/articles/1033173

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.