Friday, September 13, 2019

Tagalog News: Pagbuo ng task force kontra-armadong pakikibaka, pinaplano na sa Palawan

From the Philippine Information Agency (Sep 13, 2019): Tagalog News: Pagbuo ng task force kontra-armadong pakikibaka, pinaplano na sa Palawan


Nagpupulong ang bumubuo ng Strategic Communication Cluster (Stratcom) sa Palawan para sa planong pagbuo ng Provincial Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (PPTF-ELCAC), bilang suporta sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na naghahangad na wakasan ang armadong pakikibaka ng lokal na komunistang teroristang grupo. (Larawang ni Leila B. Dagot/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan -- Nagpulong kamakailan ang bumubuo ng Strategic Communication Cluster (Stratcom) sa lalawigan ng Palawan upang lumikha ng Provincial Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (PPTF-ELCAC).

Dito, nilatag ni Lieutenant Colonel Stephen Penetrante, acting public affairs officer ng Western Command (WesCom) ang panukalang komposisyon ng PPTF-ELCAC na ang uupong tagapangulo ay ang provincial information officer (PIO) sa katauhan ni dating Board Member Winston Arzaga, at magiging kaagapay nito ang mga information officer ng Joint Task Force (JTF) Peacock at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Magiging bahagi rin ng PPTF-ELCAC ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na may malaking papel na ginagampanan sa pagbibigay ng ayuda sa mga komunidad

Hangad sa hakbangin na makalikha ng 12 grupo sa pambansang lebel na siya namang tutularan sa hanay pang-rehiyon, panlalawigan, panlungsod, pang-bayan hanggang sa mga barangay.

Samantala, ang pagpupulong ay pinangunahan ng WesCom at pamahalaang panlalawigan ng Palawan upang suportahan ang pagpapatupad ng Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na naglalayong wakasan ang gawain ng rebeldeng grupong Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

Hiniling ni Penetrante ang atensiyon ng pamunuan ng National Commission on Indigenous People (NCIP)- Palawan na tutukan upang mabigyan ng giya ang mga katutubo sa lalawigan at mai-iwas sa panghihikayat ng makakaliwang grupo.

Sa pagpupulong, nilinaw ni Provincial Director Rey Maranan ng Department of Interior and Local Government (DILG) – Palawan na sa ‘whole of nation approach’, ang mahusay ng pamamahala ang siyang magiging makinarya upang mailapit ang mga mamamayan sa pamahalaan. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.