Friday, August 23, 2019

CPP/NPA-Central Negros: Hinggil sa planong militarisasyon sa mga paaralan

NPA-Central Negros propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 23, 2019): Hinggil sa planong militarisasyon sa mga paaralan

JB REGALADO
NPA-CENTRAL NEGROS (LEONARDO PANALIGAN COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
AUGUST 23, 2019

Desperadong pananalasa ng mga mersenaryong tropa ng AFP at PNP ang pagpasok ang paglagay ng kanilang mga presensya sa mga paaralan, nagpapakita lamang ito ng kanilang takot sa lumalawak at lumalakas na pakikibaka ng mga kabataan sa pagsulong ng interes ng uring api at pinagsasamantalahan hindi lamang sa isla ng Negros kundi maging sa buong bansa.

Mahigpit na kinikondena at kinukutya ng LPC-NPA ang marahas na hakbang ng mga pasistang pwersa ng estado sa pakay nitong pagmilitarisa ng mga eskwelahan dahil ito’y klarong paglabag sa karapatang-pantao ng mga kabataan para sa akademikong kalayaan at pagsupil sa karapatang malayang magpahayag.

Bulok na ito na mga hakbang ng berdugong si Duterte kasama ang kanyang bayaran at uhaw sa dugo na mga AFP at PNP dahil dito mismo sa isla ng Negros partikular sa Sentral na bahagi, makikita ang kanilang madugong operasyon tulad ng talamak na pagpaslang sa mga tagapangtanggol ng karapatang-pantao at mga magsasaka, pag-aresto ng maraming mga inosenteng mamamayan na naging biktima ng mga gawa-gawang kaso. Dagdag pa, simula ng ipinatupad ng utak-pulbura na si Duterte ang Memorandum Order No.32 at Executive Order No.70 lumikha lamang ito ng malawakang militarisasyon sa kanayunan at komunidad na nagresulta ng matinding takot at pinsala sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan dahil sa malawakang dislokasyon at pagpapalabas ng mga pekeng “NPA Surrenderee” para magkamal ng malaking pondo sa kaban ng bayan.

Punong-puno na ang sambayanan sa tiraniko, diktador at pahirap na paghahari ni Duterte, ang pag-igting ng pakikibaka at paglawak ng pwersa ng mga kabataan at mamamayan ay bunga ng lumalalang inhustisya hindi lang dito sa Negros kundi maging sa buong bansa. Si Duterte kasama ang kanyang mga pasitang alipures at ang kanyang mga kontra-mamamayang mga polisiya at patakaran ang nagtulak sa mga kabataan at mamamayan na lumaban upang singilin at panagutin sila sa kanilang mga inutang na dugo.

Sa panahon na pasismo ang sagot ng gobyerno sa demokratiko at lehitimong panawagan ng mga mamamayan, nararapat na isulong ang pakikibaka sa pinakamataas na porma. Tibayan ang hanay ng aping sektor at depensahan ang buhay at kabuhayan. Patalsikin sa pwesto ang rehimeng US-Duterte!

Handa sa lahat ng panahon ang LPC-NPA sa paglunsad ng mga taktikal na opensiba upang ipagtanggol at depensahan ang kapakanan at hustisya-sosyal na matagal ng minimithi ng mamamayan. Ipatupad ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon bilang sagot sa ugat ng armadong tunggalian sa Pilipinas.

https://cpp.ph/statement/hinggil-sa-planong-militarisasyon-sa-mga-paaralan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.