Friday, July 26, 2019

Tagalog News: IPs, nagkaisa sa pagsuporta sa programa ni Pangulong Duterte na wakasan ang problema sa insurgency

From the Philippine Information Agency (Jul 26, 2019): Tagalog News: IPs, nagkaisa sa pagsuporta sa programa ni Pangulong Duterte na wakasan ang problema sa insurgency

Featured Image

LEON B. POSTIGO, Zamboanga del Sur - - - Suportado ng tribong Subanen sa Zamboanga Peninsula region ang programa ng Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang local communist armed conflict sa bansa.

Sa isang pagpupulong na ginanap sa bayan ng Leon Postigo, Zamboanga del Norte, sabay-sabay na pumirma ang mga IP leaders ng tribong Subanen sa resolusyon na tumutuligsa sa New Peoples’ Army o NPA at dineklara ang mga itong persona non grata sa loob ng kanilang ancestral domain.

Bumuo ang mga IP leaders na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng rehiyon, ng isang IP Federation bilang pagpapakita ng kanilang pagkakaisa sa pagsuporta sa hakbang ng gobyerno laban sa insurgency.

Nasa 48,000 ektarya ang pag-aaring lupa ng tribong Subanen na sumasakop sa iilang mga barangay sa mga bayan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.

May kalayuan ang mga barangay na nasa boundary na ng dalawang probinsya. Pahirapan ang daanan at hindi kadalasang abot sa mga serbisyo ng gobyerno kaya naman ang mga komunidad dito ay kadalasang nabibiktima sa recruitment ng rebeldeng grupo. (ALT/EDT/PIA9-Zamboanga del Norte)

https://pia.gov.ph/news/articles/1025111

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.