From the Philippine Information Agency (Jul 26, 2019): Tagalog News: Ancestral domain ng tribong Subanen sa Zamboanga Peninsula idineklarang zone of peace
LEON B. POSTIGO, Zamboanga del Norte - - - Idineklara bilang isang zone of peace ang ancestral domain ng tribong Subanen sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula.
Ito ay matapos ang konsultasyon sa mga indigenous peoples na kinabibilangan ng tribong Subanen sa isang pagpupulong na ginanap sa Barangay Titik, Leon Postigo, probinsya ng Zamboanga del Norte.
May lawak na 48,000 ektarya, saklaw ng ancestral domain ang iilang mga barangay sa bayan ng Leon Postigo, Sindangan, Siayan at Godod ng nasabing probinsiya. Samantala sakop din dito ang iilang barangay ng Bayog sa Zamboanga del Sur.
Ang inisyatibo ay parte ng puspusang kampanya at implementasyon alinsunod sa Executive Order No. 70 ng Pangulong Rodrigo Duterte, na layuning ipatupad ang whole of nation approach upang maresolba ang local communist armed conflict sa bansa.
Isa ang Barangay Titik sa mga lugar sa Rehiyon 9 na napili bilang pilot area para sa implementasyon ng E.O. 70.
Nag-abot naman ng tulong gaya ng medical check-up, libreng gamot, dental services, haircut at iba pa ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kasama ang lokal na pamahalaan ng probinsya sa mga residente ng barangay na hindi bababa sa 500 katao.
Nasa 20 ahensya ng gobyerno ang naghatid ng serbisyo at personal na bumisita sa lugar.
Masaya namang nagpahayag ng kanilang saloobin ang iilan sa mga benepisyaryo ng aktibidad at nagpaabot ng kanilang suporta sa kampanya ng gobyerno. (ALT/EDT/PIA9-Zamboanga del Norte)
https://pia.gov.ph/news/articles/1025112
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.