Monday, June 24, 2019

CPP/Ang Bayan: Nag­pa­pa­sa­sang mga bu­ruk­ra­ta

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 21, 2019): Nag­pa­pa­sa­sang mga bu­ruk­ra­ta

Hin­di la­mang si Rod­ri­go Du­ter­te ang may di-mai­pa­li­wa­nag na pag­lo­bo ng ya­man ha­bang na­kau­po sa gub­yer­no. Noong 2018, nagtaasan ang halaga ng 15 upisyal ng kanyang gabinete ayon sa isinumite nilang Statement on Assets, Liabilities and Network o SALN. Pitong kongresista naman—karamiha’y kaalyado ng nakaupong rehimen—ang nakita ng paglobo ng yaman sa loob lamang ng isang taong panunungkulan.

Sa gabinete, na­na­na­ti­ling pi­na­ka­ma­ya­man sa ga­bi­ne­te si Mark Vil­lar, ka­li­him ng De­partment of Pub­lic Works and Highways, na nag-u­lat ng ha­la­gang P1.408 bil­yon. Pi­na­ka­ma­la­ki na­man ang paglobo ng ya­man ni Alfre­do Cu­si, ka­li­him ng De­partment of Energy, na nag-u­lat ng P29 mil­yong dag­dag sa da­ti na ni­yang ya­man na P1.356 bil­yon noong 2017.

Sa Mababang Kapulungan, pi­na­ka­ma­la­ki ang ini­ya­man ng ne­go­sya­nteng si Delphi­ne Lee ng par­ti­dong Agri Party. Lu­ma­ki ang kan­yang ha­la­ga nang 400% mu­la P50 mil­yon tu­ngong P254 mil­yon noong 2018. Ga­yun­pa­man, mas ma­la­ki pa rin ang ini­ya­man ng bur­ge­sya kumpra­dor na si Micha­el Ro­me­ro ng par­ti­dong 1-Pacman. Na­dag­da­gan ang ya­man ni Ro­me­ro nang P567 mil­yon mu­la P7.291 bil­yon sa 2017 tu­ngong P7.858 bil­yon noong 2018. Gi­na­mit ng mga bu­ruk­ra­tang ito ang sis­te­mang party list pa­ra ip­wes­to ang sa­ri­li sa Kong­re­so at ku­mo­po ng ma­ta­ta­bang kontra­tang pam­pub­li­ko.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://www.philippinerevolution.info/2019/06/21/nagpapasasang-mga-burukrata/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.