NPA-Kalinga propaganda statement posted to the National Democratic Front Philippines (NDFP or NDF) Website (Mar 24, 2019): 503 Infantry Brigade at 50 IB, mga dramatista at tigalubid ng fakenews!
Tipon Gil-ayab
Spokesperson
Bagong Hukbong Bayan – Kalinga
Marso 20 ibinalita sa midya ni Col. Henry Doyaoen, hepe ng 503rd Infantry Brigade ng Philippine Army, na may naganap daw na engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng 50th IB at ng BHB, 4:50 ng madaling araw sa pagitan ng Buaya at Mabaca, Balbalan, Kalinga. Sa nasabing labanan ay nakakumpiska diumano ng isang M16 na riple, dalawang granada at mga bala ang mga militar habang nagtamo naman daw ng isang sugatan mula sa panig ng BHB.
Kasinungalingan! Walang yunit ang BHB sa nasabing lugar ng mga panahong nabanggit na nagkaroon ng labanan.
Ang tanging katotohanan sa kwentong-barbero ng AFP hinggil sa nasabing labanan sa Mabaca-Buaya ay ang paglabag nito sa karapatang-tao ng mga residente at pagbulabog nito sa katahimikan ng nasabing mga barangay dahil sa walang-habas nitong pagpapaputok ng matataas na kalibre ng baril upang palabasing may labanang naganap. Sinasayang lang ng AFP ang kanilang mga bala at pinahihiya ang sarili dahil sa gawa-gawang sarswela nito.
Matagal nang alam ng taumbayan na sa desperasyon ng mersenaryong AFP, madalas itong gumawa ng fake news at fake encounters upang palabasing nananalo ang gera nito laban sa rebolusyonaryong kilusan. Kung kaya’t ang pekeng labanan sa Mabaca-Buaya ay pakana ng 50th IB upang may maipalabas na “accomplishment” at nang makakuha ng promosyon at makakurakot din ng pabuya mula sa kaban ng bayan.
Layunin din ng mga ganitong pekeng balita na magpakalat ng takot at pangamba sa hanay ng masa. At isa lamang ito sa mahabang listahan ng mga pekeng balita na inimbento ng AFP sa prubinsya.
Noong nakaraang linggo rin ay ipinagmalaki ng AFP na may napa-surrender silang dalawang diumano ay miyembro ng BHB sa Brgy. Allaguia sa munisipyo ng Pinukpuk. Ang totoo ay mga miyembro ng CAFGU sa nasabing barangay ang sinasabi nilang nag-surrender!
Ang mga pekeng surrender ay matagal nang bahagi ng saywar ng AFP upang palabasing “humihina” na ang BHB at isa ring raket na pinagkakakitaan lang ng mga matataas na opisyal ng AFP. Gamit ang dalawang helicopter na pinaikot-ikot sa iba’t ibang bayan ng Kalinga nitong nagdaang mga araw, nagpakalat ang AFP ng mga polyeto na nananawagan ng pag-surender ng mga kasapi ng BHB at mga sibilyang sumusuporta sa BHB. Nagsasayang sila ng lohistika.
https://www.ndfp.org/503-infantry-brigade-at-50-ib-mga-dramatista-at-tigalubid-ng-fakenews/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.