From the Armed Forces of the Philippines-Civil Relations Service (AFP-CRS) Facebook page (Mar 24, 2019): Mga dating regular na miyembro at milisyang bayang ng NPA nakatanggap ng 1.2M tulong pinansyal mula sa Gobyerno
Apatnaput isang (41) benepisyaryo ang nakatanggap ng higit 1.2M tulong pinansyal at firearms remuneration mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) noong ika 23 ng Marso 2109 sa Bgy Naibuan, San Jose, Occidental Mindoro na dinaluhan ng local na pamahalaan sa pamumuno ni Hon Romulo Festin, Mayor San Jose kasama ang DILG, DSWD, NCIP, PNP kasama... ang 4IB sa pangunguna ni LTC Alexander Arbolado PA at 76IB sa pangunguna ni LTC Marilito Retirva.
Sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) pormal naibigay sa dalawamput siyam (29) milisyang bayan at apat (4) regular na hukbo na nagbalik loob sa 4IB at walong (8) regular na hukbo sa 76IB ang kanilang panimulang livelihood assistance para sa kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan. Isa itong programa ng ating pangulong Duterte na tulungan ang mga naging biktima, kinasangkapan at sapilitang napaniwala sa huwad na programa ng mga teroristang grupo sa ilalim ng pamumuno ni Jose Maria Sison.
Pinapaabot ng ating 203rd Brigade Commander na si Col Marceliano Teofilo na tuldukan na ang ang pagsusuporta at pagsama sa mapaglinlang at mapanggamit na teroristang grupong NPA at magbalik loob na sa pamahalaan upang matulungan na magbagong buhay.
Pinapaabot din ni Governor Mario Gene Mendiola sa katauhan ni Mayor Romulo Festin na ang gobyerno ay laging bukas sa mga magbabalik loob at taos pusong tutulongan sa pamamagitan ng mga binipisyo sa ilalim ng programang E-CLIP. Ang lahat na ito ay sumasailam sa inisyatibong pangkapayapaan na isinusulong ni congresswoman Josephine "Nene" Sato.
Sa pagtutulungan ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, Philippine National Police at ng inyong Philippine Army pinatunayan nating lahat na totoo ang programa ng gobyernong ECLIP na pilit kinokondena at pinabulaan na hindi totoo ng teroristang grupong CPP/NPA/NDF. Ngayon masayang tinanggap ng mga taong naging biktima ng panlilinlang nang nasabing grupo ang kanilang suportang pangkabuhayan at sumumpa ng katapatan na hindi na magpalinlang at maniniwala sa huwad na programa at pinaglalaban ng terorsitang CPP/NPA/NDF.
Ang programang E-CLIP ay makakatulong na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga bumalik-loob sa gobyerno na kapiling ang mga kani-kanilang mga pamilya.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2276520169298143&set=pcb.2276521265964700&type=3&theater
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2276520215964805&set=pcb.2276521265964700&type=3&theater
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2276520245964802&set=pcb.2276521265964700&type=3&theater
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2276723705944456&set=pcb.2276521265964700&type=3&theater
https://www.facebook.com/CivilRelationsServiceAFP/?fref=photo
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.