NPA-Southern Tagalog propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 27, 2019): Pagdalaw ni Pompeo, pagtitiyak ng imperyalistang dominasyon ng US sa Pilipinas
Jaime 'Ka Diego' Padilla
Spokesperson
NPA-Southern Tagalog (Melito Glor Command)
February 27, 2019
Patunay na numero unong tuta ng US ang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya ngayong kasalukuyang nag-uusap sina Duterte at US Secretary of State Mike Pompeo sa Villamor Air Base upang talakayin ang ilang mga usapin sa hidwaan sa West Philippine Sea, “terorismo” sa Minadanao, seguridad sa rehiyong Asya-Pasipiko at iba pa. Singkahulugan ito ng direktang pakikialam ng US sa kalagayang panseguridad ng bansa.
Mapanganib ang pagbisita ni Pompeo sa Pilipinas. Magpapatupad ito ng atas ng Imperyalismong US sa malakolonya nito (Pilipinas) laban sa Tsina. Panibagong yugto ito ng pang-uupat o isang proxy war laban sa Tsina. Kasalukuyang nasa isang economic war ang US sa Tsina at nakaamba ang pagkatalo ng una sa huli. Nais idaan ng US sa ibang daluyan ang pakikidigma nito sa Tsina sa kanyang desperasyon na pahinain ito. Kasabay nito, ibebenta ng US ang mga armas-pandigma nito sa mga bansang sangkot upang salbahin ang nalulugmok nitong ekonomiya.
Nananawagan ang Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog sa mamamayang Pilipino na tutulan at labanan ang anumang panghihimasok ng US sa bansa. Dapat aktibong lumahok ang bawat mamamayan sa digmang bayan upang palayain ang Pilipinas sa imperyalistang dominasyon ng US. Sa pananagumpay nito, makakalaya ang bayan sa pagkagapos sa tanikala ng imperyalismo at maitatayo ang nagsasariling gobyerno ng mamamayang Pilipino.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.